2 Chronicles 26:18
Pinigilan nila si haring Uzias at sinabi sa kaniya, “Hindi ito para sa iyo, Uzias, na magsunog ng insenso para kay Yahweh, kundi para sa mga pari, ang mga kaapu-apuhan ni Aaron na siyang itinalaga kay Yahweh na magsunog ng insenso. Lumabas ka sa banal na lugar, sapagkat sumuway ka. Dahil dito, wala kang magiging karangalan mula kay Yahweh na Diyos.”
Ang Biblia (Tagalog)
In The King James Version
In Context
17Sinundan siya ni paring Azarias at kasama niya ang walumpung matatapang na pari ni Yahweh.
Cross References
Exodus 28:1Tawagin mo ang iyong kapatid na si Aaron at ang kaniyang mga anak na lalaki na sina Nadab, Abihu, Eleazar, at Itamar mula sa mga Israelita para maglingkod sila sa akin bilang mga pari.
Numbers 16:39Kinuha ni Eleazar na pari ang mga tansong insensaryo na ginamit ng mga lalaking nasunog, at ang mga ito ay minartilyo na maging isang takip para sa altar,
Numbers 18:7Subalit ikaw lamang at ang iyong mga anak na lalaki ang maaaring gumanap ng pagkapari tungkol sa bawat bagay na may kaugnayan sa altar at sa bawat bagay na nasa loob ng kurtina. Ikaw mismo ang dapat gumawa sa mga tungkuling iyon. Ibinibigay ko sa iyo ang pagkapari bilang isang regalo. Bawat dayuhan na lalapit ay dapat malagay sa kamatayan.”
1 Samuel 2:30Sapagka't si Yahweh, ang Diyos ng Israel, nagsasabing, 'Nangako ako na ang inyong bahay, at ang bahay ng inyong ninuno, ay lalakad sa harap ko magpakailanman.' Ngunit ngayon sinasabi ni Yahweh, 'Malayong gawin ko ito, sapagka't pararangalan ko yaong nagpaparangal sa akin, ngunit yaong mga humahamak sa akin ay hindi papahalagahan.
2 Chronicles 19:2Lumabas si propetang Jehu na anak ni Hanani upang salubungin siya at sinabi kay Haring Jehoshafat, “Dapat mo bang tulungan ang masama? Dapat mo bang mahalin ang mga namumuhi kay Yahweh? Dahil sa ginawa mong ito, nasa iyo ang galit mula kay Yahweh.
Jeremiah 13:18“Sabihin ninyo sa hari at sa inang reyna, 'Magpakumbaba kayo at umupo, sapagkat bumagsak na ang mga korona sa inyong ulo, ang inyong pagmamataas at ang inyong karangalan.'