Jeremias 13:18
“Sabihin ninyo sa hari at sa inang reyna, 'Magpakumbaba kayo at umupo, sapagkat bumagsak na ang mga korona sa inyong ulo, ang inyong pagmamataas at ang inyong karangalan.'
Ang Biblia (Tagalog)
In The King James Version
In Context
Cross References
Exodus 10:3Kaya pumunta sina Moises at Aaron sa Paraon at sinabi sa kaniya, “Sinabi ito ni Yahweh, ang Diyos ng mga Hebreo: 'Hanggang kailan mo tatanggihan ang pagpapakumbaba ng iyong sarili sa aking harapan? Hayaan mo nang umalis ang aking bayan para sumamba sila sa akin.
2 Kings 24:15Itinapon ni Nebucadnezar si Jehoiakin sa Babilonia, pati na ang ina ng hari, mga asawa, opisyal, at ang pangunahing mga lalaki ng lupain. Ipinatapon niya sila sa Babilonia mula sa Jerusalem.
2 Chronicles 33:19Gayundin, ang kaniyang panalangin at kung paano siya nagmakaawa sa Diyos, lahat ng kaniyang kasalanan at paglabag, at ang mga lugar kung saan siya nagtayo ng mga dambana at naglagay ng mga imahen ni Ashera at ng mga inukit na imahe bago siya nagpakumbaba—nakasulat ang mga ito sa Kasayasayan ng mga Propeta.
Isaiah 3:26Ang tarangkahan ng Jerusalem ay magluluksa at maghihinagpis, at mag-isa siyang uupo sa lupa.
Jeremiah 22:24Dahil buhay ako—ito ang pahayag ni Yahweh— kahit na ikaw, Jehoiakin na anak ni Jehoiakim, hari ng Juda, ay ang singsing na pantatak na nasa aking kanang kamay, sisirain kita.
Lamentations 2:10Nakaupo sa lupa at tahimik na nagdadalamhati ang mga nakatatanda ng anak na babae ng Zion. Nagsabog sila ng alabok sa kanilang mga ulo; nakasuot sila ng telang magaspang. Ibinaba ng mga birhen ng Jerusalem ang kanilang mga ulo sa lupa.