2 Mga Cronica 26:8
Nagbigay ang mga Ammonita ng kayamanang parangal kay Uzias at lumaganap ang kaniyang katanyagan sa ibang mga lupain, maging sa hangganan ng Ehipto, sapagkat siya ay naging lubos na makapangyarihan.
Ang Biblia (Tagalog)
In The King James Version
In Context
Cross References
Genesis 12:2Gagawin kitang isang dakilang bansa, at pagpapalain kita, at gagawin kong dakila ang iyong pangalan at ikaw ay magiging isang pagpapala.
Deuteronomy 2:19Kapag kayo ay papalapit sa kabila ng mga lipi ng Ammon, huwag ninyo silang guguluhin ni huwag kayong makikipag-away sa kanila; dahil hindi ko ibibigay sa inyo ang alinman sa mga lupain ng mga lahi ng Ammon bilang isang pag-aari; dahil ibinigay ko ito sa mga kaapu-apuhan ni Lot bilang isang pag-aari.'”
1 Samuel 11:1Pagkatapos nilusob ni Nahas na Ammonita ang Jabes Gilead. Sinabi ng lahat ng kalalakihan ng Jabes kay Nahas, “Gumawa ng isang kasunduan sa amin at maglilingkod kami sa iyo.”
2 Samuel 8:13Naging tanyag ang pangalan ni David nang bumalik siya mula sa pananakop sa mga Arameo sa lambak ng Asin, kasama ang kanilang labing walong libong tauhan.
1 Chronicles 14:17Pagkatapos, naipamalita ang katanyagan ni David sa lahat ng lupain at ginawa ni Yahweh na matakot ang lahat ng bansa kay David.
2 Chronicles 20:1At nangyari pagkatapos nito, ang mga tao sa Moab at Ammon, kasama ang ilang mga Meunita ay dumating upang makipagdigma laban kay Jehoshafat.