2 Mga Cronica 28:15
Ang mga lalaking itinalaga ay tumayo at kinuha ang mga bilanggo at dinamitan ang mga walang kasuotan mula sa mga nasamsam. Dinamitan nila sila at binigyan sila ng sandalyas. Binigyan sila ng makakain at inumin. Ginamot nila ang kanilang mga sugat at isinakay ang mga nanghihina sa mga asno. Ibinalik sila sa kanilang mga pamilya sa Jerico, (na tinatawag na lungsod ng mga Palma). Pagkatapos bumalik sila sa Samaria.
Ang Biblia (Tagalog)
In The King James Version
In Context
Cross References
Deuteronomy 34:3at ang Negev, at ang patag sa lambak ng Jerico, ang Lungsod ng mga Palmera, hanggang Zoar.
2 Kings 6:22Sumagot si Eliseo, “Huwag mo silang patayin. Papatayin mo ba silang mga kinuha mong bihag gamit ang espada at pana mo? Maghain ka ng tinapay at tubig sa kanila para makakain at makainom sila at makapunta sa kanilang panginoon.”
2 Chronicles 28:12Pagkatapos, may ilang pinuno ng Efraim ang tumayo laban sa mga bumalik mula sa digmaan, ang mga lalaking sina Azarias na anak ni Johanan, si Berquias na anak ni Mesillemot, si Jehizkias na anak ni Sallum at si Amasa na anak ni hadlai.
Proverbs 25:21Kung nagugutom ang kaaway mo, bigyan mo siya ng makakain, at kung nauuhaw siya, bigyan mo siya ng tubig na maiinom,
Matthew 25:35Sapagkat ako ay nagutom at binigyan ninyo ako ng pagkain; ako ay nauhaw at binigyan ninyo ako ng inumin; ako ay dayuhan at pinatuloy ninyo ako;
Luke 8:27Nang nakababa si Jesus sa lupa, may isang lalaki mula sa lungsod ang sumalubong sa kaniya at ang lalaking ito ay may mga demonyo. Sa matagal na panahon, siya ay walang suot na damit at hindi tumira sa isang bahay, sa halip, ay sa mga libingan.