Matthew 25:35
Sapagkat ako ay nagutom at binigyan ninyo ako ng pagkain; ako ay nauhaw at binigyan ninyo ako ng inumin; ako ay dayuhan at pinatuloy ninyo ako;
Ang Biblia (Tagalog)
In The King James Version
In Context
Cross References
Genesis 18:2Tumingala siya at naroon, nakita niya ang tatlong lalaki na nakatayo sa harap niya. Nang makita sila ni Abraham, tumakbo siya mula sa pintuan ng tolda, para salubungin sila at yumukod siya sa lupa.
Deuteronomy 15:7Kung may isang taong mahirap sa inyo, isa sa inyong mga kapatid, saanman sa loob ng inyong mga tarangkahan sa lupain na ibinibigay sa inyo ni Yahweh na inyong Diyos, hindi dapat ninyo patigasin ang inyong mga puso ni isara ang inyong kamay mula sa inyong mahirap na kapatid;
Job 29:13Ang pagpapala ng taong malapit nang masawi ay dumarating sa akin; dinulot kong kumanta ang puso ng biyuda dahil sa kagalakan.
Job 31:32(hindi kailanman kinailangan ng dayuhan na manatili sa lansangan; sa halip, lagi kong binubuksan ang aking mga pinto sa manlalakbay)
Proverbs 3:9Parangalan si Yahweh ng iyong kayamanan at ng mga unang bunga ng lahat ng iyong ani,
Proverbs 14:21Ang isang nagpapakita ng paghamak sa kaniyang kapwa ay nagkakasala, ngunit ang isang nagpapakita ng kagandahang-loob para sa mahirap ay masaya.