2 Chronicles 28:9
Ngunit naroon ang isang propeta ni Yahweh, Oded ang kaniyang pangalan. Siya ay lumabas upang salubungin ang hukbo na papasok sa Samaria. Sinabi niya sa kanila, “Dahil nagalit si Yahweh sa Juda, ang Diyos ng inyong mga ninuno, ipinasakamay niya sila sa inyo. Ngunit pinagpapatay ninyo sila sa galit na abot hanggang langit.
Ang Biblia (Tagalog)
In The King James Version
In Context
Cross References
Genesis 4:10Sinabi ni Yahweh, “Ano ang ginawa mo? Tumatawag sa akin ang dugo ng iyong kapatid mula sa lupa.
Judges 3:8Kaya ang galit ni Yahweh ay nag-alab sa Israel, at sila'y ipinagbili niya sa kamay ni Cushanrishataim ang hari ng Aram Naharaim. Naglingkod nang walong taon ang bayan ng Israel kay Cushan Rishathaim.
1 Kings 20:22Kaya ang propeta ay lumapit sa hari ng Israel at sinabi sa kaniya, “Umalis ka, at palakasin ang iyong sarili, at unawain at planuhin ano ang iyong ginagawa, dahil sa pagbabalik ng taon ang hari ng Aram ay babalik muli laban sa iyo.”
2 Kings 20:14Pumunta si propeta Isaias kay Haring Hezekias at tinanong siya, “Anong sinabi ng mga lalaking ito sa iyo? Saan sila nagmula?” Sinabi ni Hezekias, “Nagmula sila sa malayong bansa ng Babilonia.”
2 Chronicles 19:1Bumalik nang ligtas si Jehoshafat na hari ng Juda sa kaniyang bahay sa Jerusalem.
2 Chronicles 28:5Kaya ipinasakamay siya ni Yahweh na Diyos ni Ahaz sa hari ng Aram. Tinalo siya ng mga Arameo at kinuha mula sa kaniya ang napakalaking bilang ng mga bilanggo at dinala sila sa Damasco. Napasakamay din si Ahaz sa hari ng Israel, na tumalo sa kaniya sa isang matinding labanan.