Genesis 4:10
Sinabi ni Yahweh, “Ano ang ginawa mo? Tumatawag sa akin ang dugo ng iyong kapatid mula sa lupa.
Ang Biblia (Tagalog)
In The King James Version
And he said, What hast thou done? the voice of thy brother’s blood crieth unto me from the ground.
In Context
Cross References
Genesis 9:5Subalit para sa iyong dugo, ang buhay na nasa iyong dugo, hihingin ko ang kabayaran. Mula sa kamay ng bawat hayop hihingin ko ito. Mula sa kamay ng sinumang tao, iyon ay, mula sa kamay na pumatay ng kanyang kapatid, aking hihingin ang pagsusulit sa buhay ng taong ito.
Exodus 3:7Sinabi ni Yahweh, “Tunay na nakita ko ang pagdurusa ng aking bayan na nasa Ehipto. Narinig ko ang kanilang pagsigaw dahil sa kanilang mahihigpit na tagapangasiwa, dahil alam ko ang tungkol sa kanilang pagdurusa.
Joshua 7:19Pagkatapos sinabi ni Josue kay Achan, “Aking anak, sabihin mo ang katotohanan sa harap ni Yahweh, ang Diyos ng Israel, at ibigay mo ang iyong pagtatapat sa kaniya. Pakiusap sabihin mo sa akin kung ano ang iyong nagawa. Huwag mo itong itago sa akin.”
2 Kings 9:26'Totoong nakita ko kahapon ang dugo ni Nabot at ang dugo ng kaniyang mga anak na lalaki, sinasabi ni Yahweh, at gagantihan kita sa bukid na ito,' sinasabi ni Yahweh. Kaya ngayon, kunin at itapon siya sa lugar, sa bukid na iyon, para maganap kung ano ang sinabi sa atin na mangyayari sa salita ni Yahweh.”
Job 16:18O lupa, huwag mong tabunan ang aking dugo; hayaan ang aking iyak ay walang lugar ng kapahingahan.
Job 31:38Kung sakaling sumigaw laban sa akin ang aking lupain, at ang mga daan ng araro nito ay sama-samang umiyak,