2 Chronicles 29:6
Sapagkat lumabag ang ating mga ninuno at ginawa nila ang masama sa paningin ni Yahweh na ating Diyos; siya ay tinalikuran nila, tumalikod sila mula sa lugar na pinananahanan ni Yahweh.
Ang Biblia (Tagalog)
In The King James Version
In Context
Cross References
2 Chronicles 28:2Sa halip, lumakad siya sa mga pamamaraan ng mga hari ng Israel, gumawa rin siya ng mga metal na imahen para sa mga Baal.
2 Chronicles 34:21“Pumunta kayo at itanong ninyo ang kagustuhan ni Yahweh para sa akin at para sa mga naiwan sa Israel at sa Juda dahil sa mga salita ng aklat na natagpuan. Sapagkat malaki ang galit ni Yahweh na ibinuhos sa atin. Dahil ang ating mga ninuno ay hindi nakinig sa mga salita ng aklat na ito upang sundin ang lahat ng nakasulat dito.”
Ezra 9:7Simula noong panahon ng aming mga ninuno hanggang ngayon kami ay nasa matinding pagkakasala. Sa aming mga kasamaan, kami, ang aming mga hari, at mga pari ay ipinasakamay mo sa mga hari ng mundong ito, sa espada, sa pagkabihag, at pagpagnanakaw at sa mga mukhang hiyang-hiya, tulad namin ngayon.
Nehemiah 9:32Kaya ngayon, aming Diyos, ang dakila, ang makapangyarihan, at ang kamangha-manghang Diyos, na siyang tumutupad sa kaniyang tipan at tapat na pagmamahal, huwag mong maliitin ang lahat ng paghihirap na dumating sa amin, sa aming mga hari, sa aming mga prinsipe, sa aming mga pari, sa aming mga propeta, at sa aming mga ninuno, at sa lahat na iyong mga tao mula sa araw ng mga hari ng Asiria hanggang sa araw na ito.
Jeremiah 2:13Sapagkat nakagawa sa akin ang aking mga tao ng dalawang kasamaan. Pinabayaan nila ang mga bukal na nagbibigay-buhay sa paggawa ng mga balon para sa kanilang mga sarili, mga sirang balon na walang tubig!
Jeremiah 2:27Sila ang mga nagsabi sa puno, 'Ikaw ang aking ama,' at sa bato, 'Ipinanganak mo ako.' Sapagkat nakaharap sa akin ang kanilang likuran at hindi ang kanilang mga mukha. Gayunpaman, sinasabi nila sa oras ng mga kaguluhan, 'Tumayo ka at iligtas mo kami!'