Ezra 9:7
Simula noong panahon ng aming mga ninuno hanggang ngayon kami ay nasa matinding pagkakasala. Sa aming mga kasamaan, kami, ang aming mga hari, at mga pari ay ipinasakamay mo sa mga hari ng mundong ito, sa espada, sa pagkabihag, at pagpagnanakaw at sa mga mukhang hiyang-hiya, tulad namin ngayon.
Ang Biblia (Tagalog)
In The King James Version
In Context
Cross References
Leviticus 26:39'Yung mga natitira sa inyo, mabubulok sa kanilang mga kasalanan doon sa mga lupain ng inyong mga kaaway, at dahil sa kasalanan ng kanilang mga ama, mabubulok din sila.
Deuteronomy 4:25Kapag kayo ay nagkaanak at ang mga anak ng inyong mga anak, at kapag kayo ay naroon na sa lupain sa mahabang panahon, at kung naging masama kayo at gumawa ng isang inukit na hugis sa anyo ng anumang bagay, at gumawa ng kung ano ang masama sa paningin ni Yahweh na inyong Diyos, para galitin siya—
Deuteronomy 29:22Ang darating na salinlahi, ang mga anak ninyo na lilitaw pagkatapos ninyo, at ang dayuhan na nagmula sa isang malayong lupain, ay magsasalita kapag nakita nila ang mga salot sa lupaing ito at ang mga karamdaman na ginawa ni Yahweh —
Deuteronomy 31:20Kapag dinala ko sila dito sa loob ng lupain na aking ipinangako upang ibigay sa kanilang mga ninuno, ang lupaing umaapaw sa gatas at pulot, at nang sila ay nakakain at nabusog at tumaba, pagkatapos babaling sila sa ibang mga diyos at sasamba sa kanila; kamumuhian nila ako at sisirain ang kasunduan.
1 Samuel 12:15Kapag hindi ninyo sinunod ang boses ni Yahweh, subalit maghimagsik laban sa mga utos ni Yahweh, kung gayon ang kamay ni Yahweh ay magiging laban sa inyo, tulad ng ito ay laban sa inyong mga ninuno.
2 Kings 17:5Pagkatapos nilusob ng hari ng Asiria ang buong lupain, at nilusob ang Samaria at sinakop ito sa loob ng tatlong taon.