2 Chronicles 30:10
Kaya dumaan ang mga tagapagdala ng sulat sa bawat lungsod sa buong rehiyon ng Efraim at Manases, hanggang sa Zebulun; ngunit pinagtawanan at kinutya sila ng mga tao.
Ang Biblia (Tagalog)
In The King James Version
In Context
Cross References
2 Chronicles 30:6Kaya pumunta sa buong Israel at Juda ang tagapagdala ng sulat na dala-dala ang sulat mula sa hari at sa kaniyang mga pinuno, ayon sa utos ng hari. Sinabi nila, “Kayong mga taga-Israel, manumbalik kayo kay Yahweh, ang Diyos ni Abraham, Isaac, at Israel, upang muli siyang bumalik sa mga nalalabi sa inyo na nakatakas mula sa kamay ng mga hari ng Asiria.
Nehemiah 2:19Pero nang marinig nila Sanballat na Horonita, at ni Tobias ang Ammonitang lingkod, at Gesem na taga-Arabya ang tungkol dito, pinagtawanan nila kami at nilait, at sinabi nila, “Ano ang ginagawa ninyo? Naghihimagsik ba kayo laban sa hari?”
Esther 3:15Lumabas ang mga tagahatid at nagmadaling ipinamahagi ang kautusan ng hari. Ang batas ay ipinamahagi rin sa palasyo ng Susa. Ang hari at si Haman ay umupo upang uminom, ngunit ang siyudad ng Susa ay nasa kaguluhan.
Esther 8:14Kaya sumakay ang mga tagahatid sa maharlikang mga kabayong ginagamit para sa paglilingkod sa hari ang mga tagahatid. Humayo sila nang walang antala. Ang kautusan ng hari ay inilathala rin mula sa palasyo ng Susa.
Job 12:4Ako ay isang katatawanan para sa aking kapwa —ako, na siyang tumawag sa Diyos at kaniyang sinagot! Ako, isang taong makatarungan at walang kasalanan—ako ngayon ay isa nang katatawanan.
Luke 16:14Ngayon ang mga Pariseo, na mangingibig ng pera, ay narinig ang lahat ng mga ito, at siya ay kanilang kinutya.