2 Chronicles 30:9
Sapagkat kung muli kayong babalik kay Yahweh, makakatagpo ng kahabagan ang inyong mga kapatid at mga anak sa harapan ng mga bumihag sa kanila, at muli silang babalik sa lupaing ito. Sapagkat si Yahweh, ang inyong Diyos, ay mapagbiyaya at maawain, at hindi niya ibabaling ang kaniyang mukha palayo sa inyo, kung babalik kayo sa kaniya.
Ang Biblia (Tagalog)
In The King James Version
In Context
Cross References
Exodus 34:6Dumaan si Yahweh sa kaniya at inihayag, “Yahweh, Yahweh, ang Diyos ay maawain at mapagbigay-loob, hindi madaling magalit, at nag-uumapaw sa katapatan ng tipan at mapagkakatiwalaan,
Deuteronomy 30:1Kapag ang lahat ng mga bagay na ito ay nakarating sa inyo, ang mga pagpapala at ang mga sumpa na itinalaga ko sa harapan ninyo, at kapag isinaisip ninyo ito kasama ang lahat ng ibang mga bansa kung saan si Yahweh ang inyong Diyos ay dinala kayo,
Deuteronomy 30:4Kung mayroon sa mga lahi ninyo ang ipinatapon sa pinaka-malalayong mga lugar mula sa ilalim ng kalangitan, mula kung saan si Yahweh na inyong Diyos ay titipunin kayo, at magmula doon dadalhin niya kayo.
2 Chronicles 7:14Sa panahong iyon kung ang aking mga tao na tinawag sa pamamagitan ng aking pangalan ay magpapakumbaba, mananalangin, hahanapin ako, at tatalikod sa kanilang masasamang gawain, makikikiibig ako mula sa langit, patatawarin ko ang kanilang kasalanan, at pagagalingin ko ang kanilang lupain.
Nehemiah 9:17Tumanggi silang makinig, at hindi nila inisip ang tungkol sa mga kababalaghan na iyong ginawa sa kanilang kalagitnaan, pero naging mapagmatigas sila, at sa kanilang paghihimagsik sila ay nagtalaga ng pinuno na magbabalik sa kanila sa pagkakaalipin. Pero ikaw ang Diyos na puno ng kapatawaran, mapagbigay-loob at mahabagin, hindi madaling magalit, at sagana sa pag-ibig na hindi nagbabago. Hindi mo sila iniwan.
Psalms 86:5Ikaw, Panginoon, ay mabuti, at handang magpatawad, at nagpapakita ka ng malaking awa sa lahat ng tumatawag sa iyo.