2 Chronicles 30:24
Sapagkat nagbigay sa kapulungan si Ezequias na hari ng Juda ng isang libong toro at pitong libong tupa bilang alay; at nagbigay ang mga pinuno sa kapulungan ng isang libong toro at sampung libong tupa at mga kambing. Maraming bilang ng mga pari ang nagtalaga ng kanilang mga sarili kay Yahweh.
Ang Biblia (Tagalog)
In The King James Version
In Context
23Nagpasya ang buong kapulungan na magdiwang ng pitong araw pa, at ginawa nga nila nang may kagalakan.
Cross References
2 Samuel 6:19Pagkatapos namahagi siya sa mga tao, sa kabuuang dami ng Israel, sa mga lalaki at mga babae, ng isang buong tinapay, isang piraso ng karne, at isang mamong pasas. Pagkatapos umalis ang lahat ng mga tao; at bumalik ang bawat isa sa kanilang sariling bahay.
2 Chronicles 29:34Ngunit kakaunti ang bilang ng mga pari upang balatan ang lahat ng mga alay na susunugin, kaya tinulungan sila ng mga kapatid nilang mga Levita, hanggang matapos ang gawain, at hanggang sa maitalaga ng mga pari ang kanilang mga sarili kay Yahweh, sapagkat higit na maingat ang mga Levita sa pagtatalaga ng kanilang mga sarili kaysa sa mga pari.
2 Chronicles 30:15At sa ikalabing-apat na araw ng pangalawang buwan, pinatay nila ang kordero ng Paskwa. Nahiya ang mga pari at mga Levita, at inihandog nila ang kanilang mga sarili kay Yahweh at nagdala sila ng mga handog na susunugin sa tahanan ni Yahweh.
Ezekiel 45:17Magiging tungkulin ng prinsipe na magbigay ng mga hayop para sa mga alay na susunugin, mga handog na butil, mga handog na inumin sa mga pagdiriwang at ang mga pagdiriwang ng Bagong Buwan, at sa mga Araw ng Pamamahinga—sa lahat ng mga itinakdang pagdiriwang ng sambahayan ng Israel. Magbibigay siya ng mga handog dahil sa kasalanan, mga handog na butil, mga handog na susunugin at mga handog pangkapayapaan para sa kabayaran sa kapakanan ng sambahayan ng Israel.