2 Samuel 6:19
Pagkatapos namahagi siya sa mga tao, sa kabuuang dami ng Israel, sa mga lalaki at mga babae, ng isang buong tinapay, isang piraso ng karne, at isang mamong pasas. Pagkatapos umalis ang lahat ng mga tao; at bumalik ang bawat isa sa kanilang sariling bahay.
Ang Biblia (Tagalog)
In The King James Version
In Context
Cross References
1 Kings 8:66Sa ika-walong araw, pinauwi niya ang mga tao, at kanilang pinagpala ang hari at umuwi sila sa kanilang tahanan ng may kagalakan at masayang mga puso dahil sa lahat ng kabutihan na pinakita ni Yahweh kay David, na kaniyang lingkod, at sa Israel, na kaniyang bayan.
1 Chronicles 16:43Pagkatapos, umuwi ang lahat ng tao sa kanilang mga tahanan, at umuwi si David upang pagpalain ang kaniyang sariling sambahayan.
2 Chronicles 30:24Sapagkat nagbigay sa kapulungan si Ezequias na hari ng Juda ng isang libong toro at pitong libong tupa bilang alay; at nagbigay ang mga pinuno sa kapulungan ng isang libong toro at sampung libong tupa at mga kambing. Maraming bilang ng mga pari ang nagtalaga ng kanilang mga sarili kay Yahweh.
2 Chronicles 35:12Inalis nila ang mga handog na susunugin upang ibigay ito sa mga pangkat ng mga sambahayan ng mga tao, upang ihandog ang mga ito kay Yahweh, gaya ng nasusulat sa Aklat ni Moises. Ganoon din ang ginawa nila sa mga toro.
Ezekiel 45:17Magiging tungkulin ng prinsipe na magbigay ng mga hayop para sa mga alay na susunugin, mga handog na butil, mga handog na inumin sa mga pagdiriwang at ang mga pagdiriwang ng Bagong Buwan, at sa mga Araw ng Pamamahinga—sa lahat ng mga itinakdang pagdiriwang ng sambahayan ng Israel. Magbibigay siya ng mga handog dahil sa kasalanan, mga handog na butil, mga handog na susunugin at mga handog pangkapayapaan para sa kabayaran sa kapakanan ng sambahayan ng Israel.
Ephesians 4:8Katulad ng sinabi sa kasulatan: “Noong umakyat siya sa itaas, dinala niya ang mga bihag sa pagkabihag. Nagbigay siya ng mga kaloob sa mga tao.”