2 Mga Cronica 31:10
Sinagot siya ni Azarias, ang pinakapunong pari sa tahanan ni Zadok, at sinabing, “Nang magsimulang magdala ng mga handog sa tahanan ni Yahweh ang mga tao, nakakain kami ng higit sa sapat at marami pang natira, sapagkat pinagpala ni Yahweh ang kaniyang mga tao. At malaking bilang pa rin ang naiwan sa mga ito.”
Ang Biblia (Tagalog)
In The King James Version
In Context
9At tinanong ni Ezequias ang mga pari at ang mga Levita tungkol sa mga napakaraming bunton.
Cross References
Genesis 26:12Nagtanim si Isaac sa lupaing iyon at umani sa parehong taon ng isang sandaang beses, dahil pinagpala siya ni Yahweh.
Genesis 39:5Dumating ang panahon na ginawa siyang tagapangasiwa ng kanyang bahay at sa lahat ng kanyang pagmamay-ari, kaya pinagpala ni Yahweh ang buong bahay ng taga-Ehipto dahil kay Jose. Ang pagpapala ni Yahweh ay nasa lahat ng bagay na pagmamay-ari ni Potipar sa kanyang bahay at sa kanyang bukid.
Exodus 36:7Mayroon na silang labis-labis na mga kagamitan para sa lahat ng gawain.
Leviticus 26:4Sa gayon bibigyan ko kayo ng ulan sa kapanahunan nito; mapapakinabangan ang lupain at magbibigay ang mga punong kahoy sa bukid ng kanilang mga bunga.
Deuteronomy 28:8Uutusan ni Yahweh ang biyaya na pumunta sa inyo sa inyong mga kamalig at sa lahat ng madapuan ng inyong mga kamay; bibiyayaan niya kayo sa lupain na ibibigay niya sa inyo.
2 Kings 4:43Sinabi ng kaniyang alipin, “Ano, dapat ko ba itong ihain sa harapan ng isang-daang lalaki?” Pero sinabi ni Eliseo, “Ibigay mo ito sa mga tao, para makakain sila, dahil sinabi ito ni Yahweh, 'Kakain sila at magkakaroon pa ng tira.'”