Levitico 26:4
Sa gayon bibigyan ko kayo ng ulan sa kapanahunan nito; mapapakinabangan ang lupain at magbibigay ang mga punong kahoy sa bukid ng kanilang mga bunga.
Ang Biblia (Tagalog)
In The King James Version
In Context
3Kung lalakad kayo sa aking mga batas at isaisip ang aking mga utos at susundin ang mga ito,
Cross References
Leviticus 25:19Mamumunga ang lupain, at kakain kayo hanggang mabusog at ligtas na mamumuhay roon.
Deuteronomy 11:13Mangyayari ito, kung masigasig kayong makikinig sa aking mga utos na sinasabi ko sa inyo ngayon para mahalin si Yahweh na inyong Diyos, at paglingkuran siya ng inyong buong puso at ng inyong buong kaluluwa,
Deuteronomy 28:12Bubuksan ni Yahweh para sa inyo ang kaniyang bahay-imbakan ng kalangitan para magbigay ng ulan para sa inyong lupain sa tamang panahon, at pagpapalain lahat ng gawa ng inyong kamay; magpapahiram kayo sa maraming bansa, pero hindi kayo manghihiram.
Job 5:10Nagbibigay siya ng ulan sa lupa, at nagpapadala ng tubig sa mga taniman.
Job 38:25Sino ang gumawa ng mga agusan ng mga pagbaha ng ulan, o sino ang gumawa ng mga daanan ng mga dagundong ng kulog,
Psalms 65:10Tinutubigan mo ang mga bukirin nang masagana; inaayos mo ang mga taniman; ginagawa mong malambot ang mga ito sa mga patak ng ulan; pinagpapala mo ang mga tumutubo sa pagitan nito.