2 Mga Cronica 31:17
Nagbigay din sila sa mga kabilang sa mga talaan ng angkan ng kanilang mga ninuno, at sa mga Levitang dalawampu at pataas ang gulang, bawat pangkat ay nabigyan ng kani-kanilang tungkulin.
Ang Biblia (Tagalog)
In The King James Version
In Context
Cross References
Numbers 3:20Ang mga angkan na nagmumula sa mga anak na lalaki ni Merari ay sina Mahali at Musi. Ito ang mga angkan ng mga Levita, na nakatala angkan sa angkan.
Numbers 4:38Binilang ang mga kaapu-apuhan ni Gerson sa kanilang mga angkan, ayon sa mga pamilya ng kanilang ninuno,
Numbers 4:46Kaya binilang nina Moises, Aaron, at ng mga pinuno ng Israel ang lahat ng Levita ayon sa kanilang angkan sa mga pamilya ng kanilang ninuno
Numbers 17:2“Magsalita ka sa mga tao ng Israel. Kumuha ka ng mga tungkod mula sa kanila, isa para sa bawat tribu ng mga ninuno. Kumuha ng labindalawang tungkod, isa mula sa bawat pinunong napili mula sa bawat tribu. Isulat mo ang pangalan ng bawat lalaki sa kaniyang tungkod.
1 Chronicles 23:27Sapagkat sa huling mga salita ni David, ang mga Levita ay binilang mula sa gulang na dalampung taon pataas.
2 Chronicles 31:2Itinalaga ni Ezequias ang mga pari sa kanila mga pangkat at ang mga Levita at isinaayos ayon sa kanilang mga pangkat, itinalaga ang bawat isa sa kani-kaniyang gawain, ang mga pari at mga Levita. Itinalaga niya sila upang ihanda ang mga handog na susunugin at mga handog para sa pangkapayapaan, upang maglingkod, upang magbigay pasasalamat, at upang magpuri sa mga tarangkahan ng templo ni Yahweh.