2 Chronicles 31:4
Bukod dito, inutusan niya ang mga taong nakatira sa Jerusalem na ibigay ang mga nakalaan para sa mga pari at sa mga Levita, upang mapag-ukulan nila ng panahon ang kanilang pagsunod sa kautusan ni Yahweh.
Ang Biblia (Tagalog)
In The King James Version
In Context
Cross References
Leviticus 27:30Lahat ng ikapu ng lupain, maging tumubong butil sa lupa o bunga mula sa mga puno, ay kay Yahweh. Banal ito kay Yahweh.
Numbers 18:26“Dapat mong kausapin ang mga Levita at sabihin sa kanila, 'Kapag matanggap mo mula sa mga tao ng Israel ang ikasampu na ibinibigay ni Yahweh sa iyo bilang iyong mana ay dapat mong ihandog ang isang inalay na handog mula sa ikasampung iyon sa kaniya, ang ikasampu mula sa ikapu.
2 Chronicles 31:16Nagbigay din sila sa mga lalaking may tatlong gulang at pataas na kabilang sa talaan ng mga angkan—ang lahat ng pumasok sa tahanan ni Yahweh, ayon sa nakatakda araw-araw, upang gawin ang kanilang tungkulin sa bawat pangkat.
Nehemiah 13:12Pagkatapos, dinala ng buong Juda ang ikapu ng butil, ng bagong alak, at ng langis sa mga imbakan.
Malachi 3:8Maaari bang nakawan ng tao ang Diyos? Gayon pa man, ninanakawan ninyo ako. Ngunit sinasabi ninyo, 'Paano ka namin ninakawan?' Sa mga ikapu at sa mga handog.
1 Corinthians 9:9Sapagkat nasusulat sa kautusan ni Moises, “Huwag mong bubusalan ang baka habang gumigiik ng butil.” Ang baka nga ba talaga ang pinahahalagahan ng Diyos?