2 Chronicles 31:3
Itinalaga rin niya ang ibabahagi ng hari para sa handog na susunugin mula sa kaniyang sariling ari-arian, ito ay, para sa umaga at sa gabing handog na susunugin, at ang mga handog na susunugin para sa araw ng mga pamamahinga, sa mga bagong buwan, at sa mga nakatakdang pista, ayon sa nakasulat sa kautusan ni Yahweh.
Ang Biblia (Tagalog)
In The King James Version
In Context
Cross References
Leviticus 23:2“Kausapin mo ang bayan ng Israel, at sabihin sa kanila, 'Ang itinalagang mga pista para kay Yahweh, kung saan dapat ninyong ipahayag bilang banal na mga pagpupulong, ay karaniwang mga pista sa akin.
Numbers 28:2“Utusan mo ang mga tao ng Israel at sabihin sa kanila, 'Dapat ninyong ialay ang inyong mga handog sa akin sa mga itinakdang panahon, ang pagkain ng aking mga handog na ipinaraan sa apoy upang magbigay ng isang mabangong halimuyak para sa akin.'
Numbers 29:29Sa ikaanim na araw ng pagpupulong, dapat maghandog kayo ng walong toro, dalawang lalaking tupa, at labing-apat na lalaking tupa na tig-iisang taong gulang, walang kapintasan ang bawat isa.
1 Chronicles 26:26Sina Selomit at ang kaniyang mga kamag-anak ang namamahala sa lahat ng mga bahay-imbakan kung saan nakatago ang mga bagay na pag-aari ni Yahweh, na inilaan ni Haring David, ng mga pinuno ng mga pamilya, ng mga pinuno ng libo-libo at daan-daan, at ng mga pinuno ng mga hukbo kay Yahweh.
2 Chronicles 35:7Nagbigay si Josias sa lahat ng taong naroon ng tatlumpung libong tupa at mga batang kambing mula sa mga kawan para sa mga handog para sa Paskwa. Nagbigay din siya ng tatlong libong toro, ang mga ito ay mula sa mga pagmamay-ari ng hari.
Ezekiel 45:17Magiging tungkulin ng prinsipe na magbigay ng mga hayop para sa mga alay na susunugin, mga handog na butil, mga handog na inumin sa mga pagdiriwang at ang mga pagdiriwang ng Bagong Buwan, at sa mga Araw ng Pamamahinga—sa lahat ng mga itinakdang pagdiriwang ng sambahayan ng Israel. Magbibigay siya ng mga handog dahil sa kasalanan, mga handog na butil, mga handog na susunugin at mga handog pangkapayapaan para sa kabayaran sa kapakanan ng sambahayan ng Israel.