2 Chronicles 33:12
Nang nagdurusa si Manases, nagmakaawa siya kay Yahweh, na kaniyang Diyos at labis siyang nagpakumbaba sa Diyos ng kaniyang mga ninuno.
Ang Biblia (Tagalog)
In The King James Version
In Context
Cross References
Exodus 10:3Kaya pumunta sina Moises at Aaron sa Paraon at sinabi sa kaniya, “Sinabi ito ni Yahweh, ang Diyos ng mga Hebreo: 'Hanggang kailan mo tatanggihan ang pagpapakumbaba ng iyong sarili sa aking harapan? Hayaan mo nang umalis ang aking bayan para sumamba sila sa akin.
Deuteronomy 4:30Kapag kayo ay nababalisa, at kapag ang lahat ng mga bagay na ito ay dumating sa inyo, sa mga darating na araw na iyon kayo ay babalik kay Yahweh na inyong Diyos at makinig sa kaniyang boses.
2 Chronicles 15:2Umalis siya upang makipagkita kay Asa at sinabi sa kaniya, “Makinig ka sa akin Asa at ang lahat ng mga tao sa tribu nina Juda at Benjamin. Kasama ninyo si Yahweh habang kayo ay nasa kaniya. Kung siya ay inyong hahanapin, matatagpuan ninyo siya. Ngunit kung itatakwil ninyo siya, itatakwil rin niya kayo.
2 Chronicles 28:5Kaya ipinasakamay siya ni Yahweh na Diyos ni Ahaz sa hari ng Aram. Tinalo siya ng mga Arameo at kinuha mula sa kaniya ang napakalaking bilang ng mga bilanggo at dinala sila sa Damasco. Napasakamay din si Ahaz sa hari ng Israel, na tumalo sa kaniya sa isang matinding labanan.
2 Chronicles 32:26Gayunman, sa bandang huli nagpakumbaba siya sa pagmamataas ng kaniyang puso, siya at kasama ang mga mamamayan ng Jerusalem, kaya hindi dumating ang galit ni Yahweh sa kanila sa panahon ng paghahari ni Ezequias.
2 Chronicles 33:23Hindi siya nagpakumbaba sa harapan ni Yahweh, gaya ng ginawa ng kaniyang amang si Manases. Sa halip, lalo pang nagkasala si Ammon.