2 Chronicles 33:16
Ipinatayo niyang muli ang altar ni Yahweh at naghandog doon ng mga handog pangkapayapaan at handog ng pasasalamat; inutusan niya ang Juda na maglingkod kay Yahweh, ang Diyos ng Israel.
Ang Biblia (Tagalog)
In The King James Version
In Context
Cross References
Genesis 18:19Dahil pinili ko siya para maturuan ang kanyang mga anak pati na ang sambahayan na susunod sa kanya na mapanatili ang kaparaanan ni Yahweh, na gumawa ng matuwid at makatarungan, nang sa gayon maibibigay ni Yahweh kay Abraham ang sinabi niya sa kanya.”
Leviticus 7:11Ito ang batas ng alay na handog para sa kapayapaan na ihahandog ng mga tao kay Yahweh.
2 Chronicles 14:3sapagkat tinanggal niya ang mga altar ng mga diyus-diyosan at mga dambana. Giniba niya ang mga sagradong batong poste at binuwal ang mga imahe ni Ashera.
2 Chronicles 29:18Pagkatapos nagpunta sila kay haring Ezequias sa loob ng palasyo at sinabi, “Nalinis na namin ang buong tahanan ni Yahweh, ang altar para sa mga handog na susunugin kasama ang lahat ng mga kasangkapan nito, at ang mesa ng tinapay na handog kasama ang lahat ng mga kasangkapan nito.
2 Chronicles 33:9Pinamunuan ni Manases ang mga taga-Judah at ang mga nakatira sa Jerusalem na gumawa ng masasama ng higit pa sa ginawa ng mga bansang pinuksa ni Yahweh bago dumating ang mga mamamayan ng Israel.