2 Chronicles 33:7
Ang inukit na imahen ni Ashera na kaniyang pinagawa, inilagay niya ito sa tahanan ng Diyos. Ang tahanang ito ang tinutukoy ng Diyos kay David at sa kaniyang anak na si Solomon. Sinabi niya “Sa bahay na ito at sa Jerusalem, na aking pinili mula sa lahat ng mga tribo ng Israel, dito sasambahin ang aking pangalan magpakailanman.
Ang Biblia (Tagalog)
In The King James Version
In Context
Cross References
Judges 17:3Binalik niya ang 1, 100 pirasong pilak sa kaniyang ina at sinabi ng kaniyang ina, “Ibinukod ko ang pilak na ito kay Yahweh, para sa aking anak na lalaki para gumawa ng isang inukit na anyo ng kahoy at isang hinulmang anyo ng metal. Kaya ngayon, ibinabalik ko ito sa iyo.”
1 Kings 8:44Ipagpalagay na ang iyong bayan ay makikipaglaban sa kaaway, sa kahit anong paraan mo sila ipapadala, at ipagpalagay na sila ay mananalangin sa iyo, Yahweh, sa lungsod na iyong pinili sa tahanang aking itinayo sa ngalan mo.
1 Kings 11:13Gayon man, hindi ko sisirain ang buong kaharian; Ibibigay ko ang isang lipi sa iyong anak alang-alang sa aking lingkod na si David, at para sa kapakanan ng Jerusalem, na aking pinili.”
1 Kings 12:28Kaya naghanap ng payo si Haring Jeroboam at gumawa ng dalawang guyang ginto; sinabi niya sa mga tao, “Labis-labis ito para sa inyo na umakyat sa Jerusalem. Masdan ninyo, ito ang inyong mga diyos bayang Israel, na naglabas sa inyo sa lupain ng Ehipto.
2 Kings 23:6Inilabas niya ang poste ni Asera mula sa templo ni Yahweh, sa labas ng Jerusalem sa Lambak ng Kidron at sinunog ito roon. Ipinadurog niya ito at itinapon ang mga abo na iyon sa mga libingan ng mga karaniwang tao.
2 Chronicles 6:6Gayunpaman, pinili ko ang Jerusalem, upang naroon ang aking pangalan, at pinili ko si David upang mamuno sa aking bayang Israel.'