2 Chronicles 34:13
Ang mga Levitang ito ang namahala sa mga nagbuhat ng mga materyales na kinakailangan sa gawain at sa lahat ng mga kalalakihang nagtrabaho sa kahit na anong paraan. Mayroon ding mga Levita na mga kalihim, mga administrador at mga bantay ng tarangkahan.
Ang Biblia (Tagalog)
In The King James Version
In Context
Cross References
1 Chronicles 9:17Taga-pagbantay naman ng mga pintuan sina Sallum, Akob, Talmon, Ahiman at ang kanilang mga kaapu-apuhan. Si Sallum ang kanilang pinuno.
1 Chronicles 16:38Kasama din si Obed- edom at ang animnapu't walong kamag-anak nito. Si Obed-edom na anak ni Jeduthun, kasama si Hosa ang magiging mga tagapagbantay ng tarangkahan.
1 Chronicles 23:4Sa mga ito, dalawampu't apat na libo ang mangangasiwa ng trabaho sa tahanan ni Yahweh, at anim na libo ang mga opisyal at mga hukom.
1 Chronicles 26:1Ito ang pagkakahati-hati ng mga pangkat ng mga nagbabantay ng tarangkahan: Mula sa angkan ni Korah, si Meselemias na anak ni Korah, kaapu-apuhan ni Asaf.
2 Chronicles 2:10Ibibigay ko sa iyong mga lingkod, na puputol ng kahoy, ang dalawampung libong sisidlang puno ng binayong trigo, dalawampung libong sisidlang puno ng sebada, dalawampung libong sisidlang puno ng alak at dalawampung libong sisidlan na puno ng langis.”
2 Chronicles 8:10Sila rin ang mga punong tagapangasiwa sa mga namamahala na kabilang kay Haring Solomon, 250 sa kanila ang namamahala sa mga manggagawa.