2 Chronicles 34:12
Ginawa ng mga kalalakihan ang kanilang trabaho nang tapat. Ang kanilang mga tagapamahala ay sina Jahat at Obadias, ang mga Levita, na mga anak ni Merari; at sina Zacarias at Mesulam, mula sa mga anak ng mga taga-Kohat. Ang ibang mga Levita, na mahuhusay na manunugtog ay pinamahalaan ang mga trabahador.
Ang Biblia (Tagalog)
In The King James Version
In Context
Cross References
2 Kings 12:15Bilang karagdagan, hindi na nila hinihingan ng ulat tungkol sa salapi na pampaggawa ang mga taong nakatanggap at nagbayad nito sa mga manggagawa, dahil ang mga taong ito ay matatapat.
1 Chronicles 6:31Ang mga sumusunod ay mga pangalan ng mga lalaking itinalaga ni David na mamahala sa musika sa tahanan ni Yahweh, matapos na ilagay doon ang kaban ng tipan.
1 Chronicles 16:4Nagtalaga si David ng ilang Levita upang maglingkod sa harapan ng kaban ni Yahweh, at upang magdiwang, magpasalamat at magpuri kay Yahweh, ang Diyos ng Israel.
1 Chronicles 23:5Ang apat na libo ay mga taga-bantay ng pintuan at apat na libo ang magpupuri kay Yahweh na may mga instrumento “na ginawa ko para sa pagsamba” sabi ni David.
1 Chronicles 25:7Sila at ang kanilang mga kapatid na mahusay at bihasa upang bumuo ng musika para kay Yahweh ay may bilang na 288.
Ezra 3:9Itinalaga ni Josue ang kaniyang mga anak at ang kaniyang mga kapatid, si Kadmiel at ang kaniyang mga anak, at ang mga kaapu-apuhan ni Juda upang pangasiwaan ang mga taong gumagawa sa gawain sa tahanan ng Diyos. Kasama sa kanila ang mga kaapu-apuhan ni Henadad, ang kanilang mga kaapu-apuhan, at ang kanilang kapwa mga Levita din.