2 Chronicles 34:4
Giniba ng mga tao ang mga altar ng mga Baal sa kaniyang harapan. Binasag niya ang mga altar ng insenso na nasa ibabaw nila. Giniba niya ang mga imahen ni Ashera at ang mga inukit naimahe sa pira-piraso hanggang sa maging abo ang mga ito. Ikinalat niya ang abo sa mga libingan ng mga taong nag-alay sa mga ito.
Ang Biblia (Tagalog)
In The King James Version
In Context
Cross References
Exodus 23:24Hindi ka dapat yumuko sa kanilang mga diyos, sambahin sila, o gawin ang tulad ng kanilang ginagawa. Sa halip, dapat mong tuluyang patalsikin sila at basagin ang kanilang sagradong batong mga haligi ng pira-piraso.
Leviticus 26:30Gigibain ko ang inyong mga altar, puputulin ko ang inyong mga altar ng insenso, at itatapon ang inyong mga bangkay sa ibabaw ng bangkay ng inyong mga diyos-diyosan, at ako mismo, kasusuklaman kayo.
Deuteronomy 7:25Susunugin ninyo ang mga inukit na hugis ng kanilang diyos; huwag ninyong naisin ang pilak o ginto na nakabalot dito na gusto ninyong makuha para sa inyong sarili, at mabibitag kayo sa pamamagitan nito; dahil kamuhi-muhi ito kay Yahweh na inyong Diyos.
1 Kings 13:2Ang lingkod ng Diyos ay sumigaw sa harapan ng altar sa pamamagitan ng salita ni Yahweh at sinabi, “Altar, o altar, sinasabi ni Yahweh, 'Tingnan, isang anak na lalaki ang isisilang sa pamilya ni David, sa pangalang Josias, at maghahandog siya sa iyo ng mga pari ng mga dambana na nagsusunog ng insenso sa iyo; susunugin nila ang mga buto ng kalalakihan sa iyo'.”
2 Kings 23:4Inutusan ng hari ang punong pari na si Hilkias, ang mga pari sa ilalim niya, at ang mga bantay ng tarangkahan, na ilabas mula sa templo ni Yahweh lahat ng mga sisidlan na ginawa para kay Baal at Asera, at para sa lahat ng mga bituin ng langit. Sinunog niya ang mga iyon sa labas ng Jerusalem sa mga bukid sa Lambak ng Kidron at dinala ang kanilang abo sa Bethel.
2 Kings 23:11Inalis niya ang mga kabayo na ibinigay ng mga hari ng Juda sa araw. Nasa isang lugar ang mga iyon sa pasukan patungo sa templo ni Yahweh, malapit sa silid ni Natan Melec, ang katiwala. Sinunog ni Josias ang mga karwahe ng araw.