2 Chronicles 35:6
Katayin ninyo ang mga tupang pampaskwa at ilaan ninyo ang inyong mga sarili kay Yahweh. Ihanda ninyo ang mga tupa para sa inyong mga kapatid na mga Israelita. Gawin ninyo iyon bilang pagsunod sa salita ni Yahweh na ibinigay kay Moises.”
Ang Biblia (Tagalog)
In The King James Version
In Context
Cross References
Exodus 12:6Kailangan ninyong ingatan ito hanggang sa ikalabing-apat na araw sa buwan na iyon. Pagkatapos kailangang papatayin ang mga hayop na ito ng buong kapulungan ng Israel sa takip-silim.
Exodus 19:10Sinabi ni Yahweh kay Moises, “Puntahan mo ang mga tao. Ngayon at bukas kailangan mong ihandog sila sa akin at hugasan nila ang kanilang mga damit.
Numbers 19:11Sinuman ang humipo sa bangkay ng kahit na sinong tao ay magiging marumi sa loob ng pitong araw.
2 Chronicles 29:5Sinabi niya sa kanila, “Makinig kayo sa akin, kayong mga Levita! Italaga ninyo ang inyong mga sarili kay Yahweh, at italaga ninyo ang tahanan ni Yahweh, ang Diyos ng inyong mga ninuno, at inyong alisin ang karumihan mula sa banal na lugar.
2 Chronicles 29:34Ngunit kakaunti ang bilang ng mga pari upang balatan ang lahat ng mga alay na susunugin, kaya tinulungan sila ng mga kapatid nilang mga Levita, hanggang matapos ang gawain, at hanggang sa maitalaga ng mga pari ang kanilang mga sarili kay Yahweh, sapagkat higit na maingat ang mga Levita sa pagtatalaga ng kanilang mga sarili kaysa sa mga pari.
2 Chronicles 30:15At sa ikalabing-apat na araw ng pangalawang buwan, pinatay nila ang kordero ng Paskwa. Nahiya ang mga pari at mga Levita, at inihandog nila ang kanilang mga sarili kay Yahweh at nagdala sila ng mga handog na susunugin sa tahanan ni Yahweh.