2 Chronicles 35:8
Ang kaniyang mga tagapamuno ay nagbigay ng kusang loob na handog sa mga tao, mga pari, at mga Levita. Sina Hilkias, Zacarias at Jehiel, ang mga opisyal na namamahala sa bahay ng Diyos ay nagbigay sa mga pari para sa mga handog sa Paskwa ng 2, 600 na maliliit na mga kambing at tatlong daang baka.
Ang Biblia (Tagalog)
In The King James Version
In Context
Cross References
1 Chronicles 24:4Mas marami ang mga namumunong kalalakihan mula sa mga kaapu-apuhan ni Eleazar kaysa sa mga kaapu-apuhan ni Itamar, kaya hinati nila ang mga kaapu-apuhan ni Eleazar sa labing anim na pangkat. Ginawa nila ito ayon sa mga pinuno ng mga angkan at ayon sa mga kaapu-apuhan ni Itamar. Ang mga pangkat na ito ay walo ang bilang na kumakatawan sa kanilang angkan.
1 Chronicles 29:17Alam ko rin, aking Diyos, na iyong sinusuri ang puso at nalulugod sa katuwiran. Para sa akin, sa katapatan ng aking puso, kusang-loob kong inihandog ang lahat ng mga bagay na ito at nagagalak akong tumitingin sa iyong mga tao na narito na kusang-loob na naghahandog sa iyo.
2 Chronicles 31:13sina Jehiel, Azazias, Nahat, Asael, Jerimot, Josabad, Eliel, Ismaquias, Mahat, at Benaias ang mga tagapangasiwa sa ilalim ng pamamahala ni Conanias at si Simei na kaniyang kapatid, sa pamamagitan ng pagtalaga ni Ezequias, na hari at si Azarias, na tagapangasiwa sa tahanan ng Diyos.
Ezra 1:6Ang mga nakapalibot sa kanila ay tumulong sa kanilang gawain sa pilak at gintong mga kagamitan, mga ari-arian, mga hayop, mga mahahalagang bagay, at mga kusang-kaloob na mga handog.
Ezra 7:16Ibigay ng libre ang lahat ng pilak at ginto na binigay ng mga taga-Babilonia kasama ang anumang malayang inialay sa pamamagitan ng mga tao at mga pari para sa tahanan ng Diyos sa Jerusalem.
Nehemiah 7:70Ang ilan sa mga pinuno ng mga angkan ng mga ninuno ay nagbigay ng mga kaloob para sa gawain. Ang gobernador ay nagbigay sa pananalapi ng isang libong daric ng ginto, 50 mga mangkok, at 530 mga kasuotang pang-pari.