2 Chronicles 36:10
Noong tagsibol, nagpadala si Haring Nebucadnezar ng mga kalalakihan at dinala siya sa Babilonia, kasama ng mga mahahalagang bagay mula sa tahanan ni Yahweh at ginawa niyang hari ng Juda at Jerusalem ang kaniyang kamag-anak na si Zedekias.
Ang Biblia (Tagalog)
In The King James Version
In Context
Cross References
2 Kings 24:10Nang panahong iyon sinalakay ng hukbo ni Nebucadnezar hari ng Babilonia ang Jerusalem at pinaligiran ang lungsod.
1 Chronicles 3:15Ang mga lalaking anak ni Josias: ang kaniyang panganay ay si Johahan, ang pangalawa ay si Jehoiakim, ang pangatlo ay si Sedecias, at ang pang-apat ay si Sallum.
2 Chronicles 36:18Lahat ng kagamitan ng tahanan ng Diyos, malaki at maliit, ang mga kayamanan sa tahanan ni Yahweh at ang mga kayamanan ng hari at kaniyang mga opisyal—ang lahat ng mga ito ay dinala niya sa Babilonia.
Jeremiah 24:1Nagpakita si Yahweh ng isang bagay sa akin. Masdan, dalawang basket ng igos ang nakalagay sa harapan ng templo ni Yahweh. (Ang pangitain na ito ay nangyari pagkatapos dalhin ni Nebucadnezar, na hari ng Babilonia, sa pagkakabihag si Jeconias na anak ni Jehoiakim, na hari ng Juda, ang mga pinuno ng Juda, mga mang-uukit at mga manggagawa ng bakal mula sa Jerusalem at dinala sila sa Babilonia.)
Jeremiah 28:3Sa loob ng dalawang taon ibabalik ko sa lugar na ito ang lahat ng mga bagay na pag-aari ng tahanan ni Yahweh na kinuha ni Nebucadnezar na hari ng Babilonia mula sa lugar na ito at dinala sa Babilonia.
Jeremiah 37:1Ngayon, si Zedekias na anak ni Josias ang namuno bilang hari sa halip na si Jehoiakin na anak ni Jehoiakim. Ginawang hari ni Nebucadnezar na hari ng Babilonia si Zedekias sa buong lupain ng Juda.