2 Chronicles 36:12
Ginawa niya kung ano ang masama sa paningin ni Yahweh na kaniyang Diyos. Hindi siya nagpakumbaba sa harapan ng propetang si Jeremias, na nagsasalita mula sa bibig ni Yahweh.
Ang Biblia (Tagalog)
In The King James Version
In Context
Cross References
Exodus 10:3Kaya pumunta sina Moises at Aaron sa Paraon at sinabi sa kaniya, “Sinabi ito ni Yahweh, ang Diyos ng mga Hebreo: 'Hanggang kailan mo tatanggihan ang pagpapakumbaba ng iyong sarili sa aking harapan? Hayaan mo nang umalis ang aking bayan para sumamba sila sa akin.
2 Chronicles 33:12Nang nagdurusa si Manases, nagmakaawa siya kay Yahweh, na kaniyang Diyos at labis siyang nagpakumbaba sa Diyos ng kaniyang mga ninuno.
2 Chronicles 33:23Hindi siya nagpakumbaba sa harapan ni Yahweh, gaya ng ginawa ng kaniyang amang si Manases. Sa halip, lalo pang nagkasala si Ammon.
Jeremiah 21:1Ito ang salita na nagmula kay Yahweh para kay Jeremias nang ipinadala ni Haring Zedekias si Pashur na anak ni Malchias at ang pari na si Zefanias na anak ni Maaseias sa kaniya. Sinabi nila sa kaniya,
Jeremiah 34:2'Sinasabi ito ni Yahweh, ang Diyos ng Israel: Pumunta ka at magsalita kay Zedekias na hari ng Juda at sabihin mo sa kaniya, “Ito ang sinasabi ni Yahweh: Tingnan mo, aking ibibigay ang lungsod na ito sa kamay ng hari ng Babilonia. Susunugin niya ito.
Jeremiah 38:14At nagpadala ng salita si Haring Zedekias at dinala si propeta Jeremias sa kaniya, sa pangatlong pasukan sa tahanan ni Yahweh. Sinabi ng hari kay Jeremias, “May nais akong itanong sa iyo. Huwag mong ilihim ang sagot sa akin.”