2 Chronicles 4:1
Bukod dito, gumawa siya ng isang altar na tanso; ang haba nito ay dalawampung siko, at ang lapad nito ay dalawampung siko. Ang taas nito ay sampung siko.
Ang Biblia (Tagalog)
In The King James Version
In Context
Cross References
1 Kings 8:22Tumayo si Solomon sa harap ng altar ni Yahweh, sa harap ang kapulungan ng Israel, at nag-unat ng kaniyang mga kamay sa kalangitan.
1 Kings 9:25Tatlong beses sa isang taon na nag- aalay si Solomon ng mga handog na susunugin at mga handog pangkapayapaan sa altar na itinayo niya para kay Yahweh, nagsusunog ng insenso kasama nito sa altar sa harap ni Yahweh. Kaya tinapos niya ang templo at ginagamit na ito ngayon.
2 Chronicles 1:5Sa karagdagan, ang altar na tanso na ginawa ni Besalel na anak ni Uri na anak ni Hur ay nasa harapan ng tabernakulo ni Yahweh; pumanta roon sina Solomon at ang kapulungan.
2 Chronicles 8:12Pagkatapos nito, naghandog si Solomon ng mga alay na susunugin kay Yahweh sa ipinagawa niyang altar sa harap ng portiko.
2 Chronicles 29:18Pagkatapos nagpunta sila kay haring Ezequias sa loob ng palasyo at sinabi, “Nalinis na namin ang buong tahanan ni Yahweh, ang altar para sa mga handog na susunugin kasama ang lahat ng mga kasangkapan nito, at ang mesa ng tinapay na handog kasama ang lahat ng mga kasangkapan nito.
Ezekiel 43:16Labindalawang siko ang haba ng sunugan at labindalawang siko ang lawak, isang parisukat.