2 Chronicles 6:13
Sapagkat gumawa siya ng tansong entablado, limang siko ang haba, limang siko ang lapad, tatlong siko ang taas. At inilagay niya ito sa gitna ng patyo. Tumayo siya rito at lumuhod sa harapan ng buong kapulungan ng Israel, at itinaas niya ang kaniyang mga kamay patungo sa kalangitan.
Ang Biblia (Tagalog)
In The King James Version
In Context
Cross References
1 Kings 6:36Itinayo niya ang panloob na patyo ng may tatlong hanay ng mga tabas na bato at isang hanay ng mga bigang sedar
1 Kings 8:54Kaya nang matapos ipanalangin ni Solomon ang lahat ng panalanging ito at kahilingan kay Yahweh, siya ay tumayo mula sa harap ng altar ni Yahweh, mula sa pagkakaluhod habang ang kaniyang kamay ay nakaunat sa kalangitan.
Ezra 9:5Ngunit sa gabi ng pag-aalay tumayo ako mula sa aking kahiya-hiyang kinalalagyan na suot ang aking mga gulagulanit na mga damit at balabal, lumuhod ako at itinaas ko ang aking mga kamay kay Yahweh na aking Diyos.
Nehemiah 8:4At si Ezra, ang eskriba ay tumayo sa isang mataas na entabladong kahoy na ginawa ng mga tao para sa layuning iyon. Ang mga nakatayo sa kaniyang tabi ay sina Matanias, Sema, Anaya, Urias, Hilkias, at Maaseias, sa kaniyang kanan; at Pedaias, Misael, Malquias, Hasum, Hasbadana, Zacarias at Mesulam ay nakatayo sa kaniyang kaliwa.
Daniel 6:10Nang nalaman ni Daniel na nalagdaan na ang kasulatan na isina-batas, pumunta siya sa kaniyang bahay (ngayon ang kaniyang bintana sa itaas ay nakabukas sa dakong Jerusalem) at siya ay lumuhod, gaya ng ginagawa niya ng tatlong beses sa isang araw, at nanalangin at nagpapasalamat sa harapan ng kaniyang Diyos, gaya ng kaniyang dating ginagawa.
Acts 20:36Pagkatapos niyang magsalita sa ganitong paraan, lumuhod siya at nanalangin kasama nilang lahat.