2 Chronicles 6:14
Sinabi niya, “Yahweh, Diyos ng Israel, walang Diyos na katulad mo sa langit man o sa lupa, na tumutupad sa tipan at sa tipan ng kasunduan sa iyong mga lingkod na lumalakad sa harap mo nang kanilang buong puso;
Ang Biblia (Tagalog)
In The King James Version
In Context
Cross References
Genesis 5:24Lumakad si Enoc na kasama ang Diyos, at pagkatapos siya ay nawala, dahil kinuha siya ng Diyos.
Genesis 33:20Nagtayo siya roon ng altar at tinawag itong El Elohe Israel.
Exodus 3:15Sinabi rin ng Diyos kay Moises, “Dapat mong sabihin sa mga Israelita, 'Si Yahweh, ang Diyos ng inyong mga ninuno, ang Diyos ni Abraham, ang Diyos ni Isaac, ang Diyos ni Jacob, ay nagpadala sa akin sa inyo. Ito ang aking pangalan magpakailanman, at ganito ako mapapanatili sa isipan ng lahat ng mga salinlahi.'
Exodus 15:11Sino ang katulad mo, Yahweh, sa mga diyos? Sino ang katulad mo, maluwalhati sa kabanalan, sa mga pagpupuri pinaparangalan, na gumagawa ng mga himala?
Deuteronomy 7:9Kaya kilalanin si Yahweh na inyong Diyos— siya ay Diyos, ang tapat na Diyos, na nagpapanatili ng mga tipan at katapatan sa isang libong salinlahi sa mga nagmamahal sa kaniya at nagpapanatili ng kaniyang mga utos,
1 Kings 3:6Kaya sinabi ni Solomon, “Nagpakita ka ng dakilang katapatan sa tipan sa iyong lingkod, si David, aking ama, dahil lumakad siya sa harap mo nang may pagtitiwala, katuwiran, at kabutihan ng puso. Iningatan mo ang dakilang katapatan sa tipan na ito para sa kaniya at binigyan mo siya ng anak na lalaki para maupo sa trono niya ngayon.