2 Mga Cronica 6:18
Ngunit talaga bang titira ang Diyos kasama ng mga tao sa lupa? Tingnan, sa buong kalawakan at maging sa kalangitan mismo ay hindi ka magkasiya—gaano pa kaya sa templong ito na aking itinayo!
Ang Biblia (Tagalog)
In The King James Version
In Context
Cross References
Exodus 29:46Malalaman nila na ako si Yahweh, ang kanilang Diyos, na kumuha sa kanila palabas mula sa lupain ng Ehipto kaya ako ay maninirahan kasama nila. Ako si Yahweh, kanilang Diyos.
2 Chronicles 2:5Ang itatayo kong tahanan ay magiging napakalaki, sapagkat mas dakila ang aming Diyos kaysa sa lahat ng mga diyus-diyosan.
2 Chronicles 32:15Ngayon huwag ninyong hayaan na linlangin o hikayatin kayo ni Ezequias sa paraang ito. Huwag kayong maniwala sa kaniya, sapagkat wala diyos ng anumang bansa o kaharian ang nakapagligtas ng kaniyang bayan mula sa aking mga kamay, o mula sa kamay ng aking mga ninuno. Gaano pa kaya kayo ililigtas ng ang inyong Diyos mula ssa aking kamay?”
Job 9:14Paano ako makakasagot sa kaniya, maaari ba akong mamili ng mga salita para ikatwiran sa kaniya?
Psalms 68:18Naitanghal ka; pinalaya mo ang mga bihag; at tumanggap ka ng mga kaloob mula sa mga tao, maging sa mga lumaban sa iyo, nang sa gayon ikaw, Panginoong Diyos, ay manahan doon.
Psalms 139:7Saan ako maaaring pumunta para makatakas mula sa iyong Espiritu? Saan ako makakalayo mula sa iyong presensiya?