2 Chronicles 6:26
Kapag nakasara ang langit at walang ulan dahil nagkasala laban sa iyo ang mga tao—kung mananalangin sila na nakaharap sa lugar na ito, kikilalanin ang iyong pangalan, at tatalikod sa kanilang kasalanan kapag pinahirapan mo sila—
Ang Biblia (Tagalog)
In The King James Version
In Context
Cross References
Deuteronomy 11:17para ang galit ni Yahweh ay hindi mag-alab laban sa inyo, at para hindi niya isara ang kalangitan, para hindi magkaroon ng ulan, at ang lupa ay hindi magbigay ng kaniyang bunga, at para hindi kayo madaling mamatay mula sa masaganang lupaing ibinibigay sa inyo ni Yahweh.
1 Kings 17:1Sinabihan ni Elias na taga-Tisbe sa Galaad si Ahab, “Habang si Yahweh, na Diyos ng Israel na aking kinakatawan, ay totoong buhay, hindi magkakaroon ng hamog o kaya ulan sa mga susunod na taon hanggang hindi ko sinasabi.”
2 Chronicles 33:12Nang nagdurusa si Manases, nagmakaawa siya kay Yahweh, na kaniyang Diyos at labis siyang nagpakumbaba sa Diyos ng kaniyang mga ninuno.
Isaiah 5:6Pababayaan ko itong nakatiwangwang, at hindi ito mapuputol ni mabubungkal. Pero tutubuan ito ng madawag at matinik na halaman, uutusan ko rin ang mga ulap na hindi magpaulan dito.
Jeremiah 14:1Ito ang salita ni Yahweh na dumating kay Jeremias tungkol sa tagtuyot,
Ezekiel 18:27Ngunit kapag ang masamang tao ay tumalikod sa kasamaang ginawa niya at gumawa ng katarungan at katuwiran, kung gayon pinangangalagaan niya ang kaniyang buhay!