2 Chronicles 7:3
Tumingin ang lahat ng mga tao ng Israel nang bumaba ang apoy at ang kaluwalhatian ni Yahweh ay nasa tahanan. Yumuko sila na nakasayad ang kanilang mga mukha sa sahig na bato, sumamba, at nagpasalamat kay Yahweh. Sinabi nila, “Sapagkat siya ay mabuti, sapagkat ang kaniyang tipan ng katapatan ay magpakailanman.”
Ang Biblia (Tagalog)
In The King James Version
In Context
4Kaya naghandog ang hari at ang lahat ng tao ng mga alay kay Yahweh.
Cross References
Exodus 4:31Naniwala ang mga tao. Nang marinig nila na si Yahweh ay nag-oobserba sa mga Israelita at nakita niya ang kanilang pagkaalipin, pagkatapos iniyuko nila ang kanilang mga ulo at sinamba siya.
Numbers 14:5At nagpatirapa sina Moises at Aaron sa harapan ng buong kapulungan ng sambayanan ng mga tao ng Israel.
1 Kings 18:39Nang makita ng buong bayan ito, sila ay nagpatirapa sa lupa at sinabi, “Si Yahweh, siya ay Diyos! Si Yahweh, siya Diyos!”
1 Chronicles 29:20Sinabi ni David sa lahat ng kapulungan, “Papurihan ngayon si Yahweh na inyong Diyos.” Nagpuri ang lahat ng kapulungan kay Yahweh, ang Diyos ng kanilang mga ninuno, iniyukod ang kanilang mga ulo at sumamba kay Yahweh at nagpatirapa sila sa harapan ng hari.
2 Chronicles 20:18Yumuko si Jehoshafat na ang kaniyang mukha ay nasa lupa. At ang lahat ng Judah at mga naninirahan sa Jerusalem ay lumuhod sa harap ni Yahweh na nagpupuri sa kaniya.
2 Chronicles 29:28Sumamba ang buong kapulungan, umawit ang mga mang-aawit at tumugtog ang mga manunugtog ng trumpeta, nagpatuloy ang mga ito hanggang sa natapos ang pagsusunog ng mga alay.