Numbers 14:5
At nagpatirapa sina Moises at Aaron sa harapan ng buong kapulungan ng sambayanan ng mga tao ng Israel.
Ang Biblia (Tagalog)
In The King James Version
In Context
4Sinabi nila sa bawat isa, “Pumili tayo ng isa pang pinuno at bumalik tayo sa Ehipto.”
Cross References
Leviticus 9:24Lumabas ang apoy mula kay Yahweh at tinupok ang handog na susunugin at ang taba sa altar. Nang makita ito ng lahat ng mga tao, sumigaw sila at nagpatirapa.
Numbers 16:22Nagpatirapa sila Moises at Aaron at sinabi, “Diyos, ang Diyos ng mga espiritu ng buong sangkatauhan, kung nagkakasala ang isang tao, dapat kabang magalit sa buong sambayanan?”
Numbers 17:10Sinabi ni Yawheh kay Moises, “Ilagay mo ang tungkod ni Aaron sa harapan ng mga toldang tipanan. Panatilihin mo ito bilang isang palatandaan ng kasalanan laban sa mga taong nag-aklas upang mawakasan mo ang mga reklamo laban sa akin, o sila ay mamamatay.”
Joshua 7:10Sinabi ni Yahweh kay Josue, “Bumangon ka! Bakit ka nakadapa diyan?
1 Chronicles 21:16Tumingin sa itaas si David at nakita niya ang anghel ni Yahweh na nakatayo sa pagitan ng langit at lupa na may hawak na espada na nakataas sa buong Jerusalem. Pagkatapos dumapa si David at ang mga nakatatanda na nakadamit ng pangluksa sa lupa.
Daniel 10:9Pagkatapos narinig ko ang kaniyang mga salita- at nang marinig ko ang mga ito, bumagsak ako sa mahimbing na pagkakatulog na nakasubsob sa lupa ang aking mukha.