2 Chronicles 7:6
Tumayo ang mga pari, nakatayo ang bawat isa kung saan sila naglilingkod; ganoon din ang mga Levita dala ang mga kagamitan ng musika ni Yahweh na ginawa ni David sa pagbibigay ng mga pasasalamat kay Yahweh sa awitin, “Mananatili ang kaniyang tipan ng kasunduan magpakailanman.” Nagpatunog ng mga trumpeta ang lahat ng pari sa harap nila; at tumayo ang lahat ng Israelita.
Ang Biblia (Tagalog)
In The King James Version
In Context
Cross References
Joshua 6:4Dapat dalhin ng pitong pari ang pitong trumpetang gawa sa mga sungay ng lalaking tupa sa harapan ng kaban. Sa ikapitong araw, dapat kayong magmartsa ng pitong beses palibot ng lungsod at patunugin ng malakas ang mga trumpeta ng mga pari.
1 Chronicles 13:8Si David at ang lahat ng Israelita ay nagdiriwang sa harapan ng Diyos ng kanilang buong lakas. Sila ay umaawit na may mga instrumentong may kuwerdas, mga tamburin, mga pompiyang at mga trumpeta.
1 Chronicles 15:19Ang mga manunugtog na sina Heman, Asaf at Etan ay itinalaga upang tumugtog ng mga tansong pompiyang na may malalakas na tunog.
1 Chronicles 16:4Nagtalaga si David ng ilang Levita upang maglingkod sa harapan ng kaban ni Yahweh, at upang magdiwang, magpasalamat at magpuri kay Yahweh, ang Diyos ng Israel.
1 Chronicles 16:39Ang paring si Zadok at ang kaniyang mga kapwa pari ay maglilingkod sa harapan ng tabernakulo ni Yahweh sa dambana na nasa Gibeon.
1 Chronicles 25:1Si David at ang mga pinuno ng manggagawa ng tabernakulo ay pumili ng ilan sa mga anak nina Asaf, Heman at Jeduthun para sa ilang mga gawain na ito. Nagpahayag ng propesiya ang mga kalalakihang ito nang may arpa, mga instrumentong may kuwerdas at mga pompiyang. Ito ang listahan ng mga kalalakihang gumawa ng gawaing ito: