The Bible Software
bible.software2 Corinto2 Corinto 5 › 2 Corinto 5:13

2 Corinto 5:13

Dahil kung kami ay parang wala sa sarili naming kaisipan, para ito sa Diyos. At kung kami ay nasa tamang kaisipan, ito ay para sa inyong kapakanan.

Ang Biblia (Tagalog)

In The King James Version

For whether we be beside ourselves, it is to God: or whether we be sober, it is for your cause.

In Context

12Hindi namin kayo hinihikayat muli upang ipakita na kami ay tapat. Sa halip, ay binibigyan namin kayo ng dahilan upang maipagmalaki ninyo kami, upang may maisasagot kayo sa mga taong nagmamalaki sa mga panlabas na anyo ngunit hindi sa mga nilalaman ng puso.

14Dahil ang pagmamahal ni Cristo ang nag-uudyok sa amin, sapagkat kami ay sigurado dito: na mayroong isang tao na namatay para sa lahat, kaya ang lahat ay namatay.

Read all of 2 Corinto 5

Cross References

2 Samuel 6:21Sumagot si David kay Mical, “Ginawa ko iyon sa harapan ni Yahweh, na pinili niya ako na mas mataas sa iyong ama at mataas sa lahat ng kaniyang pamilya, na itinalaga ako maging pinuno ng buong tao ni Yahweh, sa buong Israel. Sa harapan ni Yahweh magagalak ako!

Romans 12:3Sapagkat, dahil sa biyayang ibinigay sa akin, sinasabi ko na ang bawat isa sa inyo ay huwag mag-isip na mas mataas ang inyong sarili kaysa sa nararapat ninyong isipin. Sa halip, dapat kayong mag-isip ng may karunungan, ayon sa sukat ng pananampalataya na ipinagkaloob ng Diyos sa bawat isa.

2 Corinthians 7:12Kahit pa sumulat ako sa inyo, hindi ako sumulat para lang sa kapakanan ng mga gumagawa ng mali, ni para sa mga nagdusa sa mali. Sumulat ako para ang inyong pagkamasigasig para sa amin ay maipaalam sa inyo sa paningin ng Diyos.

2 Corinthians 11:16Sinasabi ko ulit: Huwag isipin ng kahit na sino man na ako ay mangmang. Ngunit kung ganoon nga ang inyong iniisip, tanggapin ninyo ako tulad ng isang mangmang upang ako ay makapagyabang ng kaunti.

2 Corinthians 12:11Ako ay naging isang mangmang! Pinilit ninyo ako na gawin ito, kahit kayo sana ang dapat pumuri sa akin. Sapagkat hindi ako mababa kaysa sa mga tinatawag na matatalinong apostol na iyan, kahit na ako ay walang silbi.

1 Thessalonians 1:5kung paanong ang ating ebanghelyo ay dumating sa inyo na hindi lamang sa salita, ngunit gayon din sa kapangyarihan, sa Banal na Espiritu, at sa lubos na katiyakan. Gayon din naman, inyong nalalaman kung anong uri ng tao kami sa inyo para sa inyong kapakanan.

This Verse In Other Editions

King James VersionBíblia Almeida (Português)Luther Bibel (Deutsch)Bible Louis Segond (Français)Библия (Русский)聖經 (中文)성경 (한국어)聖書 (日本語)الكتاب المقدس (العربية)बाइबल (हिन्दी)Biblia (Kiswahili)Bibbia Diodati (Italiano)Alkitab (Bahasa Indonesia)

Study 2 Corinto 5:13

Matthew HenryJamieson-Fausset-BrownAdam ClarkeAlbert BarnesJohn WesleyJohn CalvinScofieldWilliam BurkittFamily Bible NotesGeneva Bible Notes (1599)
← 2 Corinto 5:122 Corinto 52 Corinto 5:14 →