2 Kings 13:3
Dahil dito, nagsiklab ang galit ni Yahweh laban sa Israel at paulit-ulit niya silang pinasakop kay Hazael hari ng Aram at Ben Hadad anak ni Hazael.
Ang Biblia (Tagalog)
In The King James Version
In Context
Cross References
Deuteronomy 4:24Dahil si Yahweh na inyong Diyos ay isang apoy na lumalamon, isang selosong Diyos.
Judges 2:14Nag-alab ang galit ni Yahweh sa Israel, at ibinigay sila sa mga sumalakay na nagnakaw ng kanilang mga ari-arian mula sa kanila. Sila ay kaniyang ipinagbili bilang mga aliping hawak ng lakas ng kanilang mga kaaway na nakapalibot pa sa kanila, para hindi na nila maipatanggol ang kanilang mga sarili laban sa kanilang mga kaaway.
Judges 10:7Si Yahweh ay nag-alab sa galit tungo sa Israel at ibinigay sila sa mga Filisteo at sa mga Amonita, para sila ay sakupin.
2 Kings 8:12Tinanong ni Hazael, “Bakit ka umiiyak, aking panginoon?” Kaniyang sinagot, “Dahil nalalaman ko ang kasamaan na iyong gagawin sa bayan ng Israel. Susunugin mo ang kanilang mga kutang tanggulan, at papatayin mo ang kanilang mga kabataang lalaki gamit ang espada, dudurugin ang kanilang mga maliliit na bata, at bibiyakin ang tiyan ng kanilang babaeng buntis.”
2 Kings 13:22Inapi ni Hazael hari ng Aram ang Israel sa panahon ng paghahari ni Jehoahas.
2 Kings 17:20Kaya tinanggihan ni Yahweh lahat ng lahi ng Israel; pinahirapan niya sila at ibinigay sila sa kamay ng mga taong aako sa kanila bilang bagay na samsam, hanggang itinaboy niya sila sa kaniyang harapan.