2 Mga Hari 13:4
Kaya nagsumamo si Jehoahas kay Yahweh, at pinakinggan siya ni Yahweh dahil nakita niya ang pang-aapi sa Israel, kung paano sila inaaapi ng hari ng Aram.
Ang Biblia (Tagalog)
In The King James Version
In Context
Cross References
Genesis 31:42Kung ang Diyos na sinasamba ng aking ama, ang Diyos ni Abraham, at ang isang kinatatakutan ni Isaac ay kasama ko, tiyak na ngayon pinaalis mo na sana akong walang dala. Nakita ng Diyos ang aking kaapihan at kung gaano kabigat ako nagtrabaho, at pagsabihan ka niya kagabi.”
Exodus 3:9Ngayon ang mga pagsigaw ng bayan ng Israel ay nakarating sa akin. Bukod dito, nakita ko ang pagmamalupit na dulot ng mga taga-Ehipto.
Judges 6:6Pinahina ng Midianita ang mga Israelita ng napakatindi na ang bayan ng Israel ay tumawag kay Yahweh.
Judges 10:15Sinabi ng bayan ng Israel kay Yahweh, “Nagkasala kami. Gawin sa amin anuman ang mabuti para sa iyo. Tangi naming pakiusap, iligtas mo kami sa araw na ito.”
2 Kings 13:23Pero mahabagin si Yahweh sa Israel at mayroon siyang awa at malasakit sa kanila, dahil sa kaniyang tipan kay Abraham, Isaac at Jacob. Kaya hindi sila winasak ni Yahweh, at hindi niya pa rin sila inilayo sa kaniyang presensiya.
2 Chronicles 33:12Nang nagdurusa si Manases, nagmakaawa siya kay Yahweh, na kaniyang Diyos at labis siyang nagpakumbaba sa Diyos ng kaniyang mga ninuno.