2 Mga Hari 13:5
Kaya binigyan ni Yahweh ang Israel ng isang tagapagligtas, at sila ay nakatakas sa ilalim ng kapangyarihan ng mga Aramean, at ang bayan ng Israel ay nagsimulang mamuhay sa kani-kanilang tahanan gaya ng dati.
Ang Biblia (Tagalog)
In The King James Version
In Context
Cross References
Exodus 4:10Pagkatapos sinabi ni Moises kay Yahweh, “Panginoon, hindi ako naging magaling manalita, kahit pa noong nakaraan o ni mula ng nakipag-usap ka sa iyong lingkod. Mahina ako sa pananalita at mahina ang dila.”
1 Samuel 12:11Kaya ipinadala ni Yahweh sina Jerub Baal, Bedan, Jepta, at Samuel, at binigyan kayo ng tagumpay sa inyong mga kaaway sa buong palibot ninyo, upang ligtas kayong manirahan.
2 Kings 13:25Binawi ni Jehoas anak ni Joacaz mula kay Ben Hadad anak ni Hazael ang mga lungsod na kinuha mula kay Joacaz na kaniyang ama noong digmaan. Nilusob siya ni Joas tatlong beses, at nabawi niya ang mga lungsod ng Israel.
2 Kings 14:27Kaya sinabi ni Yahweh na hindi niya buburahin ang pangalan ng Israel sa ilalim ng kalangitan; sa halip, niligtas niya sila sa pamamagitan ng kamay ni Jeroboam anak ni Jehoas.
Nehemiah 9:27Kaya binigay mo sila sa kamay ng kanilang mga kaaway, na nagdulot ng kanilang paghihirap. At sa oras ng kanilang paghihirap, sila ay umiyak sa iyo at dininig mo sila mula sa langit at maraming beses mo silang iniligtas sa kamay ng kanilang mga kaaway dahil sa inyong dakilang awa.
Obadiah 1:21Pupunta ang mga magliligtas sa bundok ng Zion upang hatulan ang bundok ni Esau, at ang kaharian ay magiging kay Yahweh.