2 Mga Hari 2:4
Sinabi ni Elias sa kaniya, “Eliseo, pakiusap, manatili ka rito, dahil pinapadala ako ni Yahweh sa Jerico.” At sumagot si Eliseo, “Hanggang nabubuhay si Yahweh at hanggang nabubuhay ka, hindi kita iiwan.” Kaya nagpunta sila sa Jerico.
Ang Biblia (Tagalog)
In The King James Version
In Context
Cross References
Joshua 6:26Pagkatapos sa pagkakataong iyon inutusan sila ni Josue kasama ng isang panunumpa at sinabi niya, “Sumpain ang tao sa paningin ni Yahweh na magtatayong muli ng lungsod na ito, ang Jerico. Sa ikapapahamak ng kaniyang panganay na anak na lalaki, ilalatag niya ang pundasyon at sa ikapapahamak ng kaniyang bunsong anak na lalaki, itatayo niya ang mga tarangkahan nito.”
1 Samuel 1:26Sinabi niya, “O aking panginoon! Habang buhay ka, aking panginoon, ako ang babaeng tumayo rito sa tabi mo na nananalangin kay Yahweh.
2 Kings 2:2Sinabi ni Elias kay Eliseo, “Pakiusap, manatili ka rito dahil pinapadala ako ni Yahweh sa Bethel.” Sumagot si Eliseo, “Hanggang nabubuhay si Yahweh at hanggang nabubuhay ka, hindi kita iiwan.” Kaya pumunta sila sa Bethel.
Luke 19:1Pumasok si Jesus at dumaraan sa Jerico.
Acts 11:23Nang dumating siya at nakita ang kaloob ng Diyos, siya'y natuwa; at pinalakas niya ang loob ng lahat na manatili sa Panginoon ng kanilang buong puso.