Acts 11:23
Nang dumating siya at nakita ang kaloob ng Diyos, siya'y natuwa; at pinalakas niya ang loob ng lahat na manatili sa Panginoon ng kanilang buong puso.
Ang Biblia (Tagalog)
In The King James Version
In Context
Cross References
Deuteronomy 30:20Gawin ito para mahalin si Yahweh na inyong Diyos, para sundin ang kaniyang salita, at para kumapit sa kaniya. Dahil siya ang inyong buhay at ang haba ng inyong mga araw, gawin ninyo ito para maaari kayong mamuhay sa lupain na ipinangako ni Yahweh sa inyong mga ninuno, kay Abraham, kay Isaac, at kay Jacob, na ibibigay sa kanila.”
Joshua 23:8Sa halip, dapat kayong kumapit kay Yahweh na inyong Diyos gaya ng nagawa ninyo hanggang sa araw na ito.
Psalms 17:3Kung susubukin mo ang puso ko, kung daratnan mo ako sa gabi, lilinisin mo ako at wala kang makikitang anumang masamang balakin; ang bibig ko ay hindi magkakasala.
Proverbs 23:28Siya ay nag-aabang katulad ng isang magnanakaw at siya ay nagdadagdag ng bilang ng mga traydor sa sangkatauhan.
Matthew 16:24Pagkatapos, sinabi ni Jesus sa kaniyang mga alagad, “Kung sinuman ang nais sumunod sa akin, kailangan niyang ikaila ang kaniyang sarili, buhatin ang kaniyang krus, at sumunod sa akin.
John 8:31Sinabi ni Jesus sa mga Judio na naniwala sa kaniya, “Kapag kayo ay nanatili sa aking salita, kayo nga ay tunay kong mga alagad;