2 Peter 2:10
Ito ay totoo lalo na sa mga nagpapatuloy sa masasamang nasa ng laman at humahamak sa batas. Sila ay mapangahas at sumusunod sa sariling kalooban. Hindi sila natatakot na lapastanganin ang mga maluluwalhati.
Ang Biblia (Tagalog)
In The King James Version
In Context
Cross References
Genesis 49:6O aking kaluluwa, huwag kayong pumunta sa kanilang konseho, huwag kayong makiisa sa kanilang pagpupulong, dahil labis ang karangalan ng aking puso para dito. Papatay sila ng mga tao dahil sa kanilang galit. Pipilayan nila ang baka para sa kanilang kasiyahan.
Numbers 15:30Ngunit ang taong nakagawa ng anumang bagay sa pagsuway, maging katutubo siya o isang dayuhan, nilalapastangan niya ako. Dapat itiwalag ang taong iyon mula sa kaniyang mga tao..
Deuteronomy 17:12Sinuman sa inyo ang nagmamayabang, sa hindi pakikinig sa pari na tumatayo para magsilbi sa harapan ni Yahweh na inyong Diyos, o sa hindi nakikinig sa hukom—ang taong iyon ay mamamatay; aalisin ninyo ang masama mula sa Israel.
1 Samuel 10:27Subalit ilang walang kabuluhang lalaki ang nagsabi, “Paano tayo maililigtas ng lalaking ito?” Inalipusta ng mga taong ito si Saul at hindi siya dinalhan ng anumang regalo. Subalit nanahimik lang si Saul.
1 Kings 12:16Nang makita ng buong Israel na hindi sila pinakinggan ng hari, sinagot siya ng mga tao at sinabi, “Anong bahagi mayroon kami kay David? Wala kaming mana sa anak ni Jesse! Umuwi kayo sa inyong mga tolda, Israel. Ngayon pangalagaan mo ang sarili mong bahay, David.” Kaya nagbalik ang Israel sa kanilang mga tolda.
Psalms 12:4Ito ang mga nagsabing, “Sa pamamagitan ng ating dila, tayo ay mangingibabaw. Kapag ang ating mga labi ang nagsalita, sino ang maaaring maging panginoon sa atin?”