2 Peter 3:16
Sinabi ni Pablo ang lahat ng mga bagay na ito sa lahat ng kaniyang mga sulat, na kung saan maraming mga bagay ang mahihirap na maintindihan. Ang mga bagay na ito ay binaluktot ng mga taong hindi naturuan at walang katiyakan, habang sila ay gumagawa ng ibang mga kasulatan para sa sarili nilang kapahamakan.
Ang Biblia (Tagalog)
In The King James Version
In Context
Cross References
Exodus 23:2Hindi mo dapat sundin ang karamihan ng tao para gumawa ng kasamaan, ni maaari kang sumaksi habang pumapanig kasama ang karamihan ng tao para ilihis ang katarungan.
Deuteronomy 16:19Hindi ninyo dapat pilitin ang katarungan; hindi dapat kayo magpakita ng pagpanig ni kumuha ng suhol, dahil ang isang suhol ay bumubulag sa mga mata ng matalino at sumisira sa mga salita ng matuwid.
2 Kings 1:1Nang namatay si Ahab, nagrebelde ang Moab laban sa Israel.
Jeremiah 23:36Ngunit hindi na ninyo kailangan pang magsalita tungkol sa pahayag ni Yahweh, sapagkat sa bawat pahayag mula sa bawat tao ay naging kaniyang sariling mensahe, at binago ninyo ang mga salita ng buhay na Diyos, si Yahweh ng mga hukbo, na ating Diyos.
Matthew 15:3Sumagot si Jesus at sinabi sa kanila, “At kayo—bakit ninyo nilalabag ang kautusan ng Diyos alang-alang sa inyong mga kaugalian?
Matthew 22:29Subalit sumagot si Jesus at sinabi sa kanila, “Nagkakamali kayo, sapagkat hindi ninyo alam ang mga kasulatan maging ang kapangyarihan ng Diyos.