2 Peter 3:15
At isaalang-alang ninyo ang katiyagahan ng ating Panginoon na maging kaligtasan, kagaya ng ating minamahal na kapatid na si Pablo, ayon sa karunungan na ipinagkaloob sa kaniya.
Ang Biblia (Tagalog)
In The King James Version
In Context
Cross References
Exodus 31:6Bukod sa kaniya, hinirang ko si Oholiab anak na lalaki ni Ahisamach, mula sa lipi ni Dan. Nilagyan ko ng kasanayan ang mga puso ng mga matalinong tao kaya magagawa nila ang lahat ng pag-uutos ko sa iyo. Kabilang dito
Exodus 35:35Sila ay pinuspos niya ng kakayahan para gumawa ng lahat ng uri ng gawain, para maging taga-gawa ng sining, mga mag-uukit, tagaburda ng asul, lila at pinong lino, at bilang manghahabi. Sila ay manggagawa ng sining sa lahat ng uri ng gawain at sila ay masining na mga taga-disenyo.
1 Kings 3:28Nang narinig ng buong Israel ang paghahatol na ginawa ng hari, natakot sila sa hari, dahil nakita nila ang karunungan ng Diyos ay nasa kaniya sa pagbibigay ng hatol.
Ezra 7:25Ezra, sa karunungang ipinagkaloob sa iyo ng Diyos, ikaw ay dapat magtalaga ng mga hukom at mga lalaking may mahusay na pagpapasya upang maglingkod sa lahat ng tao sa ibayong Ilog, at upang maglingkod sa sinumang nakakaalam sa batas ng Diyos. Ikaw ay dapat ring magturo sa mga hindi pa nakakaalam sa batas.
Ecclesiastes 2:26Kaya sa isang taong nagbibigay lugod sa kaniya, ibinibigay ng Diyos ang karunungan, kaalaman at kagalakan. Gayun man, sa makasalanan ibinibigay niya ang gawain ng pag-iipon at pagtatabi para maaari niyang ibigay ito sa isang taong nagbibigay kaluguran sa Diyos. Ito rin ay katumbas ng singaw at isang pagtangkang habulin ang hangin.
Luke 21:15sapagkat ibibigay ko sa inyo ang mga salita at karunungan, na hindi malalabanan at matutulan ng lahat ng iyong kaaway.