2 Samuel 19:35
Ako ay walumpung taong gulang. Malalaman ko paba ang kaibahan sa pagitan ng mabuti at masama? Malalasahan paba ng iyong lingkod ang aking kakainin o anuman iinumin ko? Makakarinig pa ba ako ng ibang boses ng kumakantang kalalakihan at kumakantang kababaihan? Bakit pa kailangan ng iyong lingkod na maging isang pasanin ng aking panginoong hari?
Ang Biblia (Tagalog)
In The King James Version
In Context
Cross References
Exodus 12:4Kung ang sambahayan ay napakaliit para sa isang tupa, ang tao at sa kaniyang kapitbahay ay kukuha ng tupa o karne ng batang kambing na sapat para sa bilang ng tao. Dapat ito ay sapat para sa bawat isa na kakain, kaya kailangan nilang kumuha ng sapat na karne para ipakain sa kanilang lahat.
2 Samuel 15:33Sinabi ni David sa kaniya, “Kung maglalakbay ka kasama ko, sa gayon magiging isang pabigat ka sa akin.
Nehemiah 7:67maliban pa sa kanilang mga lalaking lingkod at kanilang mga babaeng lingkod, na ang bilang ay 7, 337. Sila ay mayroong 245 na mang-aawit na mga lalaki at mga babae.
Job 12:11Hindi ba ang tainga ang sumusuri sa mga salita gaya ng dila na tumitikim sa pagkain?
Ecclesiastes 2:8Nakapag-ipon ako para sa aking sarili ng pilak at ginto, ang mga kayamanan ng mga hari at mga lalawigan. Mayroon akong mga lalaki at babaeng mang-aawit para sa aking sarili; sa pagmamagitan ng maraming asawa at mga iba pang babaeng kinakasama, ginawa ko ang mga bagay na maaaring magdulot nang kaligayahan sa sinumang lalaki sa ibabaw ng mundo.
Isaiah 5:11Kaawa-awa sila na bumabangon nang maaga para maghanap ng matapang na alak; sila na nagkakasiyahan sa hating-gabi hanggang malunod sila sa kalasingan!