Ecclesiastes 2:8
Nakapag-ipon ako para sa aking sarili ng pilak at ginto, ang mga kayamanan ng mga hari at mga lalawigan. Mayroon akong mga lalaki at babaeng mang-aawit para sa aking sarili; sa pagmamagitan ng maraming asawa at mga iba pang babaeng kinakasama, ginawa ko ang mga bagay na maaaring magdulot nang kaligayahan sa sinumang lalaki sa ibabaw ng mundo.
Ang Biblia (Tagalog)
In The King James Version
In Context
Cross References
2 Samuel 19:35Ako ay walumpung taong gulang. Malalaman ko paba ang kaibahan sa pagitan ng mabuti at masama? Malalasahan paba ng iyong lingkod ang aking kakainin o anuman iinumin ko? Makakarinig pa ba ako ng ibang boses ng kumakantang kalalakihan at kumakantang kababaihan? Bakit pa kailangan ng iyong lingkod na maging isang pasanin ng aking panginoong hari?
1 Kings 9:28Pumunta sila sa Ofir kasama ang mga tauhan ni Solomon. Mula roon ay nag-uwi sila ng 420 talentong ginto para kay Haring Solomon.
1 Kings 10:14Ngayon ang timbang ng ginto na dumating kay Solomon sa loob ng isang taon ay 666 talento ng ginto,
1 Kings 11:3Nagkaroon si Solomon ng pitong-daang maharlikang asawa at tatlong-daang iba pang kinakasama. Inilayo ng kaniyang mga asawa ang kaniyang puso.
1 Kings 14:27Gumawa ng mga tansong kalasag si Haring Rehoboam kapalit nila at ipinagkatiwala sila sa mga kamay ng mga pinuno ng bantay, na nagbabantay ng pintuan sa bahay ng hari.
1 Chronicles 25:6Lahat sila ay nasa patnubay ng kanilang mga ama. Sila ay mga musikero sa tahanan ni Yahweh, na may mga pompiyang at instrumentong may kuwerdas habang sila ay naglilingkod sa tahanan ng Diyos. Sina Asaf, Jeduthun at Heman ay nasa ilalim ng pangangasiwa ng hari.