2 Samuel 2:12
Si Abner anak na lalaki ni Ner, at ang mga lingkod ni Isobet anak na lalaki ni Saul, ay umalis mula sa Mahanaim patungo sa Gibeon.
Ang Biblia (Tagalog)
In The King James Version
In Context
Cross References
Genesis 32:2Nang makita sila ni Jacob, sinabi niya, “Ito ang kampo ng Diyos,” kaya tinawag niya ang lugar na iyon na Mahanaim.
Joshua 10:2Ang bayan ng Jerusalem ay matindi ang takot dahil ang Gibeon ay isang napakalaking lungsod, gaya ng isa sa mga maharlikang mga lungsod. Ito ay mas malaki kaysa sa Ai, at ang lahat ng kalalakihan nito ay magigiting na mandirigma.
Joshua 10:12Pagkatapos nakipag-usap si Josue kay Yahweh sa araw na iyon na binigyan ni Yahweh ng tagumpay ang kalalakihan ng Israel laban sa mga Amoreo. Ito ang sinabi ni Josue kay Yahweh sa harap ng Israel, “Araw, manatili sa Gabaon, at buwan, sa lambak ng Ajalon.”
2 Samuel 17:14Pagkatapos sinabi ni Absalom at ng kalalakihan ng Israel, “Mas mabuti ang payo ni Cusai ang Arkite kaysa kay Ahitofel.” Itinalaga ni Yahweh ang pagtanggi sa mabuting payo ni Ahitofel para magdala ng kapahamakan kay Absalom.