2 Samuel 2:6
Ngayon nawa'y magpakita si Yahweh sa inyo ng tapat na kasunduan at katapatan. Magpapakita rin ako sa inyo nitong kabutihan dahil ginawa ninyo ang bagay na ito.
Ang Biblia (Tagalog)
In The King James Version
In Context
Cross References
Joshua 2:14Sinabi ng mga lalaki sa kaniya, “Buhay namin para sa inyong buhay, kahit hanggang kamatayan! Kung hindi mo sasabihin ang aming pakay, kaya, kapag ibinigay ni Yahweh ang lupaing ito magiging mahabagin kami at matapat sa iyo.”
2 Samuel 9:3Kaya sinabi ng hari, “Mayroon pa bang natitira sa pamilya ni Saul na maaari kong mapakitaan ng kagandahang loob sa Diyos?” Tumugon si Siba sa hari, “May nalalabi pang anak na lalaki si Jonatan, na pilay ang paa.”
2 Samuel 10:2Sinabi ni David, “Magpapakita ako ng kagandahang-loob kay Hanun na anak ni Nahas, tulad ng kabutihang ipinakita ng kaniyang ama sa akin.” Kaya ipinadala ni David ang kaniyang mga lingkod para makiramay kay Hanun tungkol sa kaniyang ama. Pumasok ang kaniyang mga lingkod sa lupain ng mga lahi ng Ammon.
Psalms 57:3Magpapadala siya ng tulong mula sa langit at ililigtas ako, kapag ang taong gusto akong lamunin ay nagagalit sa akin; Selah ipadadala ng Diyos sa akin ang kaniyang katapatan sa tipan at kaniyang pagiging mapagkakatiwalaan.
Matthew 5:7Pinagpala ang mga mahabagin sapagkat sila ay kahahabagan.
Matthew 10:16Tingnan ninyo, ipadadala ko kayo na parang mga tupa sa kalagitnaan ng mga asong lobo, kaya maging marunong kayo tulad ng mga ahas at hindi mapanakit tulad ng mga kalapati.