Joshua 2:14
Sinabi ng mga lalaki sa kaniya, “Buhay namin para sa inyong buhay, kahit hanggang kamatayan! Kung hindi mo sasabihin ang aming pakay, kaya, kapag ibinigay ni Yahweh ang lupaing ito magiging mahabagin kami at matapat sa iyo.”
Ang Biblia (Tagalog)
In The King James Version
In Context
Cross References
Genesis 24:49Kaya ngayon, kung handa kayong pakitunguhan ang aking amo ng pampamilyang katapatan at pagtitiwala, sabihin ninyo sa akin. Ngunit kung hindi, sabihin ninyo sa akin, upang lumiko ako sa kanang kamay, o sa kaliwa.”
Numbers 10:29Nagsalita si Moises kay Hobab na lalaking anak ni Ruel na Medianita. Si Ruel ay ama ng asawa ni Moises. Nagsalita si Moises kay Hobab at sinabi, “Maglalakbay kami sa isang lugar na inilarawan ni Yahweh. Sinabi ni Yahweh, 'Ibibigay ko ito sa inyo.' Sumama ka sa amin at gagawan ka namin ng mabuti. Ipinangako ni Yahweh na gagawa siya ng mabuti sa Israel.”
Joshua 6:22Pagkatapos sinabi ni Josue sa dalawang lalaking nagmanman sa lupain, “Puntahan ang bahay ng bayarang babae. Dalhin palabas ang babae at lahat ng kasama niya, ayon sa inyong sumpa sa kaniya.”
Judges 1:24Nakakita ang mga espiya ng isang taong lumabas sa lungsod, at sinabi nila sa kaniya, “Pakiusap, ipakita sa amin kung paano makakapunta sa lungsod, at magiging mabuti kami sa iyo.
2 Samuel 2:5Kaya nagpadala si David ng mga mensahero sa mga kalalakihan ng Jabes Galaad at sinabi sa kanila, “Kayo ay pinagpala ni Yahweh, dahil sa ipinakita ninyo na katapatan sa inyong panginoong si Saul at inilibing siya.
2 Samuel 9:1Sinabi ni David, “Mayroon pa bang natitira sa pamilya ni Saul na maaari kong mapakitaan ng kagandahang loob alang-alang kay Jonatan?”